VOTER REGISTRATION MAGSISIMULA SA AGOSTO 1

VOTER REGISTRATION

ITINAKDA  na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsisimula ng voter registration sa Agosto 1, 2019.

Ito ay sa kabila ng  pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpa­liban ang 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan elections sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA).

Inianunsiyo sa Twitter  ni Comelec spokesman James Jimenez na ang pagbubukas ng voter registration period ay mula Agosto 1 hanggang Setyembre  30, 2019.

Bukas ang Comelec field offices mula araw ng Lunes hanggang Sabado.

Magkakaroon din ng mga satellite registrations sa mga mall.

Oktubre 2017 nang  lagdaan ng Pangulo ang Republic Act 10952 na nagpaliban sa Okltubre  23, 2017 na  Barangay and SK elections at naurong sa ikalawang Lunes ng Mayo ng  2018.

Comments are closed.