NAGTAKDA ang Commission on Elections (Comelec) ng panibagong petsa para sa reopening ng voter registration para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).
Ang voter registration ay magbubukas mula Disyembre 9, 2022 hanggang Enero 31, 2023.
Ang overseas voters na gustong bumoto sa BSKE ay kailangang ilipat ang kanilang registration mula overseas sa local.
Mayroong hanggang Enero 31 para sa application sa Office of the Election Officer o kung saang lugar na puwede silang makaboto.
Nagpasya ang poll body na muling buksan ang pagpaparehistro matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na nagpapaliban sa BSKE mula Disyembre ngayong taon hanggang sa Oktubre 2023.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa CNN Philippines na inaasahan niyang aabot sa limang milyong indibidwal ang magpaparehistro, kung kaya’t ang bilang ng mga botante mula sa kasalukuyang 66 milyon ay naging nasa 71 milyon.