VOTER REGISTRATION POSIBLENG MAPALAWIG – COMELEC

KINUMPIRMA ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez na may posibilidad na mapalawig pa ang voter registration sa bansa.

Ayon kay Jimenez, nakatakdang magpulong ngayong Miyerkoles, Setyembre 29, ang mga miyembro ng Commission en banc upang talakayin ang naturang isyu.

“The matter of extension of voter registration will be taken up by the en banc tomorrow, the 29th of September 2022,” ani Jimenez.

“After consultation with COMELEC officials, and in consideration of the public clamor, it is likely that an extension of the period of voter registration will be granted,” aniya pa.

Matatandaang dahil sa maraming suspensiyon sa voter registration bunsod ng mga community quarantines na ipinairal ng pamahalaan, nananawagan ang publiko at mga mambabatas na palawigin pa ng Comelec ang voter registration.

Nabatid na kapwa nagpasa na ang Senado at ang House of Representatives sa ikatlong pagbasa ng kani-kanilang bersiyon ng panukala para sa isang buwang ekstensiyon ng voter registration deadline upang mas marami pang botante ang makapagparehistro.

Ang voter registration sa bansa ay nakatakdang magtapos sa Set­yembre 30, 2021. ANA ROSARIO HERNANDEZ

5 thoughts on “VOTER REGISTRATION POSIBLENG MAPALAWIG – COMELEC”

Comments are closed.