PINAGHAHANDAAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang muling pagbubukas ng voters registration para sa 2019 national and local elections.
Ayon sa Comelec, posibleng maipagpatuloy nila ang pagtatala ng mga bagong botante sa buwan ng Hunyo o Hulyo ng taong ito.
Iaanunsiyo ng ahensiya ang takdang petsa ng muling pagbubukas ng voters registration sa sandaling maisapinal na nila ito.
“The system of continuing registration will resume in June or July of this year, in preparation for the #NLE2019. We will announce as soon as a definite date is set,” anang Comelec sa kanilang Twitter account.
Matatandaang huling nagdaos ng voters registration ang Comelec noong Nobyembre 6 hanggang Nobyembre 30 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na matagumpay na naidaos noong Mayo 14, 2018. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.