VOTERS’ REGISTRATION SA BATANGAS AT CAVITE SA LUNES NA

Comelec Spokesman James Jimenez-2

DAHIL tuluyan nang humupa ang Taal Volcano, muling bubuksan ang voters’ registration sa Lunes, Pebrero 3.

Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec), normal na working conditions na muli sa nasabing lugar.

Magbabalik ang voters’ registration sa Batangas partikular sa Alitagtag, Balete, Balayan, Calaca, Calatagan, Cuenca, Laurel, Lemery, San Nicolas, Sta. Teresita, Taal, Talisay, Lipa City, Tanauan City, Tuy, San Luis, Mabini, Lian, at Malvar.

Samantala, sa Pebrero 10 naman itinakda ang panunumbalik ng voter registration Mataas na Kahoy sa nasabing probinsya.

Maaari na ring makapagparehistro ang mga botante sa Amadeo, Alfonso, Indang, Silang at Tagaytay City sa Cavite. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.