INIANUNSYO ng Commission on Elections (Comelec) na walang extension ng voting hours para sa nagaganap na halalan 2022.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ito ay dahil nagdesisyon ang Comelec en banc na hanggang alas-7:00 ng gabi lamang ang botohan.
Gayunpaman, nilinaw niya na pinayagan pa ring bumoto ang mga botanteng nasa loob ng 30 metro mula sa lugar ng botohan pagsapit ng nasabing oras.
Una nang nanawagan sa Comelec ang poll watchdog na kontra daya na palawigin ang oras ng botohan.
Ayon kay BAYAN Secretary General Renato Reyes, nakatanggap sila ng mga ulat hinggil sa mga VCM na pumalya.
Giit pa niya na ang mga botante ay hinihingan ng permiso na lumagda sa isang waiver at iiwan ang mga balota sa presinto.