VOTING PRECINCTS ILAGAY SA QUARANTINE FACILITIES

Imee Marcos

IMINUNGKAHI ni Senadora Imee Marcos sa Commission on Elections na maglagay ng voting precincts sa mga quarantine at isolation facilities sa buong bansa para sa nakatakdang halalan sa 2022.

Ayon kay  Marcos, chairperson ng Senate Committee on Electoral Reforms, dapat na magtalaga rin ng mga healthcare worker sa mga special polling precinct sa gitna ng pandemya na aabutin pa aniya hanggang sa susunod na taon.

Sa ilalim ng batas, sinabi ni Marcos na nagsasagawa ang Comelec ng botohan sa mga bilangguan kung saan may 50 o higit pang preso na puwedeng makaboto sa panahon ng eleksiyon.

“Sa NCR (Natio­nal Capital Region) pa lang ang dami-dami pa ring naka-quarantine. Kawawa naman. May sakit na nga sila, hindi mo pa sila pabobotohin, Hayaan natin ang Comelec kung kakayanin nila [dalhin] ‘yung balota,” pahayag ni Marcos.

Ikinokonsidera rin ng komite ni Marcos na magtatag ng special polling precincts sa mga buntis, senior citizens, PWDs at Indigenous Peoples para sila makaboto ng maayos at hindi na pipila nang matagal.

Hihilingin niya sa Senado na dagdagan pa ang badyet ng Comelec para sa 2022 elections matapos tapyasan ng DBM ng P15 Bilyon ang kanilang pondo para sa susunod na taon.

“Sabi nu’ng iba kailangan ng pera para sa pandemic pero kung may kuwestiyon sa lehitemasiya ng gobyerno natin sa panahon ng pandemiya, mas delikado ‘yun,” diin pa ni Marcos.

Dagdag pa ng senadora, isusulong din niya na pagkalooban ng ha­zard pay ang mga guro at health workers na magbabantay sa halalan sa susunod na taon dahil sa panganib na dulot ng COVID 19.

“Yes,  I think that something that should be considered at the same time, there’s more other category that never been included before. I believe we have to include health workers in polling places kung saka-sakali itong vulnerable sectors natin ay magkasakit, dapat nandiyan sila agad,” ayon pa kay Marcos. VICKY CERVALES

96 thoughts on “VOTING PRECINCTS ILAGAY SA QUARANTINE FACILITIES”

  1. 677221 470456Howdy just wanted to give you a brief heads up and let you know several with the pictures arent loading properly. Im not sure why but I feel its a linking concern. Ive tried it in two different internet browsers and both show exactly the same outcome. 808712

  2. 398640 124749Do individuals nonetheless use these? Personally I enjoy gadgets but I do prefer something a bit far more up to date. Nonetheless, nicely written piece thanks. 346878

Comments are closed.