INIANUNSIYO ng Commission on Elections (Comelec) ang ginawa nilang pagpapalawig pa sa oras ng voter registration o voting registration hours, upang mas marami pang tao ang makapagparehistro at makaboto para sa nalalapit na May 9, 2022 national and local elections.
Sa isang kalatas na inilabas nitong Linggo, sinabi ng Comelec na simula ngayong Lunes, Pebrero 15, ay bukas na ang mga Comelec offices sa buong bansa mula Martes hanggang Sabado, kabilang ang araw ng holiday, mula 8:00AM hanggang 5:00PM.
Nabatid na sarado naman ang mga tanggapan ng poll body tuwing Lunes upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng disinfection.
Bilang karagdagan lamang ito sa araw-araw na pag-disinfect na kanilang isinasagawa sa kanilang mga pasilidad.
Samantala, ang mga Pinoy naman na magtutungo sa ibayong dagat mula Abril 10 hanggang Mayo 9, 2022 ay maaari nang magparehistro bilang overseas voters.
Maaari umano silang magpatala mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00AM hanggang 5:00PM sa mga local field registration centers.
Ang voter registration sa bansa ay magtatapos hanggang sa Setyembre 30, 2021. Ana Rosario Hernandez
Comments are closed.