VP NG RAMCAR TODAS SA AMBUSH

BULACAN- ISANG malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng San Jose del Monte (SJDM) City police upang matukoy ang pagkakakilanlan sa mga nasa likod ng pag-ambush sa Vice-President ng RAMCAR na naging sanhi ng kamatayan nito habang lulan ng kanyang puting SUV sa Barangay Proper, SJDM City sa lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Base sa inisyal na report ng pulisya, nakilala ang biktimang si Mel Camon,VP ng RAMCAR na namatay noon din bunga ng tama ng bala sa kanyang katawan habang tumakas naman ang riding-in tandem matapos na matiyak na napuruhan nila ang kanilang pakay.

Nabatid na naganap ang insidente habang si Camon ay nagmamaneho ng kanyang puting SUV at nang pagdating sa Barangay Proper ay biglang sumulpot ang mga suspek at pinaulanan ang kanyang sasakyan ng biktima na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito habang tumakas na ang riding in tandem nang matiyak na napuruhan ang biktima.

Sa kasalukuyan, blangko pa ang awtoridad sa motibo ng pag-ambush sa biktima na masusing imbestigasyon ang isasagawa ng San Jose del Monte City police at sisilipin din ang mga CCTV sa lugar. MARIVIC RAGUDOS