VP SARA DUTERTE MANGUNGUNA SA PASUKAN

PANGUNGUNAHAN  ni Vice President at Education secretary Sara Duterte ang pagbubukas ng klase sa bansa sa Lunes, Agosto 22.

Ayon sa DepEd, bibisita ang Pangalawang Pangulo sa Dinalupihan Elementary School sa Bataan bilang bahagi ng National School Opening Day Program na pamumunuan ng Schools Division Office.

Magbibigay ng mensahe si Duterte sa event kaugnay sa panibagong school year at panawagan nito ng suporta sa mga stakeholder.

Mapapanood ala-1 ng hapon ang event via livestream sa Facebook Page ng DepEd, Youtube Channel, at DepEd Philippines website. DWIZ882