NAGHAIN ng irrevocable resignation si Vice President Sara Duterte bilang kasapi ng partidong Lakas CMD.
Sa statement na nilahad ni VP Duterte na kalihim din ng Dep-ed kahapon na ipinamahagi sa OVP media ang taus-puso nitong pasasalamat sa suporta ng lahat ng kasapi ng partido na nagpakita na posible ang pagkakaisa upang isulong ang mga pangarap para sa kapwa Pilipino at minamahal na bansa.
Aniya, walang pinakamahalaga sa kanya ngayon kundi ang makabuluhang paglilingkod sa mga kapwa Pilipino at sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni Pangulong Bongbong Marcos.
Naluklok siya sa tungkulin dahil sa tiwala ng sambayanang Pilipino upang sila ay mapaglingkuran at ang naturang paglilingkod ay hindi malalason ng political toxicity at powerplay.
Sa huli ay nanawagan si VP Duterte sa lahat ng opisyal ng pamahalaan na pagtuunan mabuti ang mga dapat gawin at iwan ang isang matatag at malakas na bansa bilang pamana. ELMA MORALES