VP SARA PROTEKTADO NG MILITAR

NAKAHANDANG protektahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Vice President Sara Duterte.

Ito ang mandato ng AFP bilang tugon sa naunang pahayag ni VP Sara na may trust issue ito at hindi niya tatanggapin kung magkakapa­litan ng Vice Presidente Security and Protection Group.

Nilinaw ni AFP Spokesperson Col. Francel Margarete Padilla, “I think sir the question should be country, not color. And so, we’d like to emphasize that the AFP is a professional organization. We will be performing our mandate accordingly.”

Ayon kay Col Padilla, mandato ng Hukbo na pangalagaan ang Presidente at maging ang Vice Presidente.

“At the AFP we will be performing our duty to protect her (VP SARA) no matter what. And we will ensure her that each of us can perform that duty. Kung sino man po yung idetail sa kanya will be selected on merits and they will be professional and lo­yal po sa chain of command,” ani  Padilla.

Nilinaw din ng AFP sa ginanap na pulong balitaan kahapon na wala pa silang  verified confirmation hinggil sa sinasabing banta sa buhay ng Pangalawang Pangulo.

“As of this time,  wala pa po kaming confirmation on that at, but I said any po na statements that are given, we look into that. We have specialized units to verify these things so moving sir we’ll be performing our mandate accordingly of protecting her with all of our troops and assets in terms of providing security for the Vice President,” diin ni Padilla.

Habang inihayag naman ni AFP Public Affair Office chief  Col. Xerxes Trinidad na may ongoing investigation naman ang ibat ibang investigating agency hinggil sa bantang pagpatay kay Pa­ngulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

“The Armed Forces of the Philippines will be cooperating and would like to wait out for any development from that part, ”  Trinidad.

VERLIN RUIZ