PATULOY ang pagbabago at paglilinis ng proseso ng kanilang sistema ang ValuePlus Auto Services mula nang sila ay magbukas ng kanilang unang sangay sa 2013 E. Rodriguez Sr. Avenue, malapit Banawe, Quezon City, na sinundan ng isa pang shop sa Robinson’s Place Las Piñas sa Alabang-Zapote Road Talon. At ngayon, handa na silang magbukas para sa pagpapaprangkisa na tinawag na bagong venture ng ValuePlus Auto Service Express, or VPX.
Ayon kay Mark Saberola, General Manager ng ValuePlus, “A VPX franchise is an ideal business venture for young entrepreneurs who want to chart their own course. It is also a good fit for retired professionals who want to get back into action, and former OFWs who want to finally repatriate and have a business of their own.”
Kasama sa VPX franchise fee ang equipment, suporta sa staff recruitment at training – mga importanteng elemento na kakailanganin ng kukuha ng prangkisa para makapagsimula. Target agad ng VPX na magkaroon ng limang prangkisa sa Metro Manila sa 2019.
Dahil sa tumataas na demand para sa mabuting auto shop services ngayong panahon, ang magkaroon ng isang VPX franchise ang makapagbibigay ng oportunidad sa may-ari ng negosyo tungo sa tagumpay.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ValuePlus Auto Service Express (VPX), tumawag sa (02) 358-1493/+63 0975 230 0924 (hanapin si Paul Encabo) o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.