VR RELOSA, YOUNG ACTOR NA SUMABAK SA BL MOVIE VIA CHEAT

NOEL ASINAS BLOG

NABIGYAN ng pagkakataon si VR Relosa sa BL movie, Cheat, na mapapanood sa YouTube tuwing Tuesday.VR RELOSA

Isang StarStruck wannabe si VR. Sumali siya sa StarStruck Kids noon. 5 years old pa lang siya. ‘Di sinuwerte na mapasama sa Top 14. Pero, hindi hadlang sa 22- year-old actor ang pangarap na mapasok ang showbiz.

Nag-aral siya hanggang nakarating ng college. Nakapagtrabaho sa  call center. Hanggang dumating sa punto na gusto nang sumuko. Marami na ring audition ang pinagdaanan.

Biglang dumating ang audition sa Cheat. Out of thousand of applicants sa role na babagay sa kanya, nasuwertihan ni VR ang role na isa sa tatlong magkakapatid na iibig sa isang lalaki.

Ani VR: “Suerte ko na ito at natanggap ako. Kahit BL movie na kapartner Ko ay kapwa lalaki, okay sa akin. Laking sampalataya ko na mapapansin ang acting ko. Tutal paraan ako dito para makilala ako.”

Series ang Cheat, kaya ngayon pa lang si VR ay nag pre-  prepare sa mahabang lock-in taping.

DINGDONG AT JENNYLYN, MAY TYANSA KAYA?

dingdong-jennylynHuling dalawang linggo ng DOTS PH, kaabang-abang!

Ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang sa kahihinatnan ng mga karakter nina Lucas (Dingdong Dantes) at Maxine (Jennylyn Mercado) sa hit Philippine adaptation ng ‘Descendants of the Sun’ sa GMA Network.

Nakatakda na kasing magtapos ang DOTS PH sa darating na December 25. Sa huling dalawang linggo nito, mahuhuli na ni Lucas ang rebeldeng si Rodel (Neil Ryan Sese) na kapatid ni Maxine.

Kahit na tapat sa kanyang responsibilidad bilang sundalo, alam ni Lucas kung gaano kamahal ni Maxine ang kanyang kapatid kaya naman gagawa siya ng paraan upang maproteksyunan ito.

Magtagumpay nga kaya si Lucas at ang Alpha team sa kanilang misyon?

Mapapanood ang Descendants of the Sun tuwing gabi, 9:20PM, sa GMA-7.

Comments are closed.