(‘Wag nang palakihin ang maliliit na isyung na-solusyonan na) MGA PINOY HINIMOK NA SUPORTAHAN ANG PINAS SA SEA GAMES HOSTING

Sea games player

ANG mga Filipino ay dapat na magkaisa at magsama-sama na suportahan ang mga nag-organisa ng Southeast Asian Games sa bansa sa halip na magbato ng dumi at magsisihan.

Ito ay matapos na humi­ngi na ng paumanhin ang mga nag-organisa dahil sa hindi naiwasang logistical problems na naranasan ng iilang SEA Games participants.

Sinabi naman ng ibang mga atleta mula ibang bansa na ang mga ganitong klaseng problema ay normal lamang na nangyayari lalo na sa mga kaganapang dinadaluhan ng libo-libong tao.

“It wasn’t ideal…but things happen. It’s time to move on and just focus on the soccer,” wika ni Cambodia head coach Felix Dalmas.

Unang una, ang problemang naranasan ay hindi naman kasalanan ng committee o ng mga hotel sa isang opisyal na salaysay ng Century Park Hotel Manila, na isa sa mga opisyal na tutuluyan ng players at delegado mula iba’t ibang bansa na dadalo sa Games.

Ayon sa Century Park Hotel Manila, ang mga detal­ye ng nabagong time of arrival ng football team ay late na naipaalam sa mga organizer. Ang team ay dumating ng 4 a.m. sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa kabila ng nabagong schedule, ang mga atleta ay agaran din namang nasundo at dinala sa Century Park Hotel, subalit ang hotel room nila ay hindi pa naihanda dahil sa standard check-in time na 2 p.m.

“However, as early as 8:25 a.m., some members were given an early check-in due to availability of rooms,” wika ng hotel sa isang statement.

Ngunit inalok naman ang team na gamitin ang hotel function rooms bilang temporary holding area matapos ang kanilang breakfast, at inasikaso rin sila kung kailangan pa nila ng karagdagang upuan.

Hindi rin naman humingi ang team at minabuti nilang sa sahig na lamang daw sila upang makahiga.

Tinawag naman itong isolated incidents.

Noong mga nakaraang araw, ang 75 international arrivals ng mga SEA Games participant kasama na ang technical officials at representatives ng kanilang National Olympic Committee ay maayos namang naidaos ng walang problema.

Karamihan ng 75 na dumating ay sa NAIA lumapag, samantalang ang ilang ay sa Clark International Airport dumating.

Mas mabigat umano ang problema na kinaharap ng mga atleta noong 2017 SEA Games sa Malaysia kung saan may mga insidente ng food poisoning, banggaan o aksidente ng sasakyan na may lulan ng mga atleta, pagnanakaw, delayed trips at controversial decisions ng mga referee. Subalit ang lahat ng ito ay hindi pinalaki sa social media o sa traditional na media.

Marami ang nanawagan sa social media na sana ay magkaisa ang mga Filipino upang suportahan ang SEA Games sa halip na palakihin ito dahil agad namang na­resolba ang mga naging problema.

Kahit si 1-PacMan Rep. Mikee Romero, isa ring SEA Games participant, dinipensahan ang mga organizer at hotel sa mga kritisismo.

Sinabi pa ni Romero na ang puno’t dulo ng problema ay dahil sa delay ng pagpasa ng budget sa halip na ibintang ang nangyari sa mga organizers.

“Unfortunately the Senate had a lot of problems and na-delay ng 5 to 6 months ‘yung budget. Lahat to was caused by that delay,” saad pa ni Romero, at sinabing bahagyang si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang may sala dahil sa delay. Aniya, “partly to blame probably because the delay was caused on their side, not on the House side.”

“If they have approved it and the budget was already available last January, all these mishaps might not have happened,” saad pa niya.

Sa kabila nito, nangako na rin ang SEA Games organizers na lahat ay magi­ging maayos at gagawin nila ang lahat upang maging matagumpay ang lahat.

Sa kapakanan ng ating bayan, dapat lamang na tigilan na ang bangayan at magkaisa para sa ikatatagumpay ng SEA Games hosting sa bansa.

Comments are closed.