‘WAG NANG UMANGKAT NG SIBUYAS

DAHIL inaasahan na tataas ng 40 porsiyento ang magiging ani ng sibuyas ngayong buwan hanggang sa Hulyo sa tinatayang 10,217 ektaryang taniman sa bansa, tama lamang ang hakbang ng gobyerno na hindi na mag-angkat ng sibuyas.

Bumaba sa 60 pesos ang kada kilo ng sibuyas sa mga palengke kumpara sa mga nakaraang panahon na daang piso ang kada kilo nito.

Nitong Marso ay.mabibili pa nga ito.ng P40 kada kilo sa Nueva Ecija.

Inihayag ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang plano niyang ipagpatuloy at pahabain pa ang panahon ng pag-ban sa importasyon ng sibuyas hanggang Hulyo o lagpas pa.

Maalalang sinuspinde ang pag- angkat ng sibuyas mula ng Enero na dapat ay magtatapos ngayong Mayo upang maiwasan ang sobra sobrang suplay ng naturang produkto sa merkado.

Malaking tulong sa lokal na magsasaka kung may sapat na cold storage para sa mga aning sibuyas.

Hindi na tayo dapat umangkat pa kung may sapat namang supply ng lokal na sibuyas.