MAHIGIT isang buwan na lang, Setyembre na. At ano ang mayroon sa buwan ng Setyembre? ‘Yan po ang huling buwan ng pagpaparehistro para makaboto. Sa pamamagitan po ng ating pitak na ito, nais nating himukin ang lahat ng Filipinong nasa voting age na huwag palampasin ang pagkakataong ito. Nakasalalay sa ating mga kamay ang kinabukasan ng ating bayan sa pamamagitan ng pagboto sa mga opisyal na tiyak nating makatutulong sa sambayanan at sa buong bansa.
Bagaman masasabi nating nakapagtala na ng maayos na numero at malapit na sa target number of voters ang Commission on Elections o Comelec, mas maganda pa ring makapagparehistro tayo para sa susunod na halalan.
Sa datos na ipinalabas ng Comelec, may dumagdag na mahigit 4 na milyong bagong botante sa kanilang talaan. Patunay na tumatalima ang ating mga kababayan sa panawagan ng komisyon.
Sa kabuuan, mayroon na tayong 60 milyong rehistradong botante para sa 2022 elections, pero malaki ang pag-asa ng Comelec na madagdagan pa ito bago pa sumapit ang huling araw ng rehistrasyon.
Maging ang ating mga kabataang nasa tamang edad na para bumoto, ang inyong lingkod ay nananawagan sa inyo. Bigyang-katotohanan ninyo ang sinabi ni Gat Jose Rizal na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”
Nakatataba ng puso na sa kasalukuyan, parami na nang parami ang mga kabataang mulat sa takbo ng politika sa bansa at may matalinong opinyon patungkol dito. At dahil sa malawak nilang kaalaman sa politika, mas dapat nilang gamitin ito sa pamamagitan ng pagboto upang mailuklok sa puwesto ang mga angkop na kandidato.
Huwag tayong magdalawang-isip dahil totoo ang kasabihan na nasa huli ang pagsisisi. Kung tayo ay nakilahok sa halalan, malamang ay makatutulong tayong mailuklok ang mga responsableng kandidato. Darating ang araw, tayo ang aani ng maling inihalal kaya ngayon pa lang, dapat na tayong mag-isip at maging matalino sa pagboto.
Ang inyong lingkod, ‘di n’yo naitatanong ay naging guro rin minsan sa ating buhay. Ang ating ina ay naging isa ring guro noong kanyang kabataan, kaya batid natin ang kalagayan at pangangailangan ng ating teachers.=
Ito ang dahilan kung bakit isinusulong natin ngayon ang pagkakaroon ng living facilities para sa ating public school teachers, lalo na para roon sa mga naninirahan sa malalayong lugar na kailangang dumanas ng kung ano-anong hirap araw-araw makapasok lang sa kani-kanilang paaralan.
Napakatagal nang panahon, lagi na lang nating naririnig ang kuwento tungkol sa mga teacher na kailangang tumawid ng ilang bundok, tulay, lalangoy pa sa ilog, makapasok lang. Ganito sila kasigasig sa gitna ng napakahirap na buhay.
Ngayong pandemya, kung inaakala nating pansamantalang natigil ang ganitong hirap nila, mali tayo riyan sapagkat sila pa rin ang naghahatid ng learning modules sa kani-kanilang mga estudyante na nakatira sa mas malalayo pang lugar. Biyaheng buwis-buhay na wala na yatang katapusan.
Kahit ang city teachers natin, hindi man sila tumatawid sa mga bundok o ilog, araw-araw pa rin silang nakikipagsiksikan sa mga pampublikong transportasyon. Lantad na lantad sa panganib ng COVID ang kanilang kalusugan.
At para mabigyang kasagutan ang mga problemang ito ng ating mga guro, isinusulong natin ngayon sa Senado ang Senate Bill 2317 o ang Teachers’ Home in School Act– ang ating panukalang batas na naglalayong magkaroon ng maayos at disenteng living facilities ang ating teachers, malapit sa paaralang kanilang pinapasukan.
Sakop po ng panukala nating ito ang public school teachers na dumaranas ng matinding hirap sa biyahe makatupad lamang sa kanilang misyon bilang guro.
94553 830284When do you believe this Real Estate market will go back in a positive direction? Or is it still too early to tell? We are seeing lots of housing foreclosures in Altamonte Springs Florida. What about you? Would adore to get your feedback on this. 323362
210086 931296An fascinating discussion is worth comment. I believe which you ought to write regarding this topic, it may not be a taboo topic but usually persons are too couple of to chat on such topics. To an additional location. Cheers 269767
896784 324166We are a group of volunteers and opening a new scheme in our community. Your web website given us with valuable information to function on. Youve done an impressive job and our entire community will probably be grateful to you. 591617