“WAG N’YO KAMING HUSGAHAN” — DODE CRUZ, JOJO NONES

Pinanindigan ng dalawang GMA 7 independent contractors na sina Dode Cruz at Jojo Nones na hindi nila inabuso ang anak na pa­nganay ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach.

Aminado silang na­bi­bilang sila sa LGBTQ+ ngunit kailanman umano ay hindi sila naging abuser.

“Bakla po kami pero hindi kami gumagawa ng masama sa kapwa. Bakla kami pero may takot kami sa Diyos,” pagdidiin pa nila.

Hindi umano sila umiiwas sa imbestigas­yon ngunit takot silang mahusgahan agad kaya hindi sila dumalo sa unang pagdinig sa Senado.

Humingi ng paumanhin ang dalawang akusado sa komite. Natakot umano silang ma-subject sa media circus at premature trial at malabag ang confidentiality ng imbestigasyon na isinasagawa ng NBI [National Bureau of Investigation].

Bawal umanong ilabas ang mga counter-allegations at ebidensiya nila sa publiko, dahil ayon sa NBI, subject to validation pa ang lahat.

Lahat umano ay hindi pa ebidensya habang Wala pa sa kamay ng piskalya.

Naglakas-loob umano silang humarap sa Senado noong Lunes, August 12, dahil sinabi ni Senator Robin Padilla na hindi korte ang Senado.

Kumalat ang balita sa nasabing kontrober­syal na kaso sa blind item. Naglabas ng official statement ang GMA 7 at agad silang nagsagawa ng sariling imbestigasyon bago pa nagsampa ng reklamo ang kampo ni Sandro sa kanilang tanggapan.

Mariing itinanggi nina Nones at Cruz ang akusasyon at hiniling sa publikong huwag silang husgahan habang wala pang malinaw na resulta ang lahat. Lumalabas  umano sa social media na parang “convicted criminals” na sila.

Saad pa ni Nones: “Sa huli, kami rin po ay humihingi ng hustiya. Mabigyan sana ng hustisya ang malisyosong pagbibintang sa amin.

“Kaya po naming patunayan sa piskalya o anumang korte na wala kaming kasalanan. Hintayin lang po sana natin ang due process. Pero habang hinihintay po yan, humihiling po kami sa sambayanan na huwag niyo muna po kaming husgahan.”

Kay Sandro naman, alam umano nitong wala silang ginawang masama dito at alam ito ng anak ni Niño.

Pareho silang may punto, nakakalito tuloy.

Honestly, ano ang mapapala ni Sandro kung aakusahan niya ng sexual abuse sina Cruz at Nones? Gusto niyang magpakilala? Parang hin­di, dahil Muhlach sya, anak pa ni Niño. Ni hindi nga niya ginamit ang ama para makapasok sa showbiz.

Yes, tama sina Cruz at Nones na makapangyarihan at maimpluwensya ang mga Muhlach, bakit pa magpapakontrobersya para makilala? E di gamitin na lang si Niño, hindi pa nadumihan ang malinis nilang pangalan.

Okay, hindi kami manghuhusga. Pero bigyan ninyo kami ng acceptable reason para gawin ito ni Sandro.

Yes, Cruz and Nones, hindi pa huli ang lahat para magsabi ng totoo.

RLVN