‘WAG PO SANA KAMING HUSGAHAN – WGM FRAYNA

EMOSYONAL na nakiusap si Women’s Grandmaster Janelle Mae Frayna na suportahan imbes na batikusin ang mga miyembro ng Philippine Chess Team na diniskwalipika ng FIDE sa katatapos na FIDE Online Olympiad.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng 8-man FIDE panel, napatunayang nandaya (violation in rules of fair play) ang isang batang miyembro ng 12-man Philippine Team kung kaya ibinaba ang disqualification sa buong team.

Kagyat namang umapela ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa FIDE, ngunit ibinasura lamang ito at pinatawan ng suspensiyon sa online gaming ang naturang player ng tatlong buwan, ngunit maaari itong makalaro sa over-the-board tournament.

“Masakit po sa amin, higit po sa akin itong nangyari. Nasayang po ang pinaghirapan namin at nayurakan ang reputasyon ng Team Philippines dahil sa pagkakamali ng isang player. Na-DQ na ang team, puro bash pa ang natatanggap namin sa social media, kaya talagang masakit tanggapin,” pahayag ng 21-anyos na si Frayna, ang kauna-unahang Pinay na nakakuha ng GM title, sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom.

“Actually, hindi ko personal na kilala ‘yung player. Bata pa kasi siya at hindi ko rin na-experience na makalaro, kaya hindi ko masabi kung ano ‘yung caliber niya sa laro. Gayunman, as a team pinaghirapan namin ‘yung bawat laro. Nasa podium finish na kami, until this incident happened,” aniya sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, PAGCOR at Games and Amusements Board.

“Huwag na po sana ninyo kaming husgahan. Kami po, kasama ng mga beteranong players, ang nagsakripisyo ng mahabang taon para makamit namin ang kinalalagyan namin sa ngayon. Suporta po ang kailangan namin, hindi paninira,” ayon kay Prayna.

Tumapos ang Team Philippines sa ikalawang puwesto sa Pool A sa likod ng Indonesia. Batay sa regulasyon, uusad sa TOP Division ang tatlong nangungunang koponan sa pool elimination. Sa pagkadiskwalipika ng Pilipinas, pinalitan sila ng Australia at Shenzhen, China.

Iginiit ni NCFP Secretary General at delegation head Grandmaster Jayson Gonzales na walang timbang ang laro ng naturang player, na dahil isang minor ay tumanggi ang opisyal na pangalanan.

“Parang nagpakitang-gilas lang itong player. First time niya kasing maging member ng National Team. Hindi namin iniapela ‘yung parusa sa kanya, ‘yung sa team ang hinabol namin, pero ‘yun na talaga ang desisyon ng FIDE.”

Ayon kay Gonzales, binubuo ng mga scientist at mathematician ang FIDE panel na nag-imbestiga kung kaya walang kawala ang sinumang gagawa ng pandaraya sa online tournament.

“Mahigpit ang FIDE diyan. Hindi lang tayo, maraming players sa buong mundo ang naparusahan dahil sa pandaraya sa online game,” aniya.EDWIN ROLLON

101 thoughts on “‘WAG PO SANA KAMING HUSGAHAN – WGM FRAYNA”

  1. 575459 341056I just couldnt depart your web site prior to suggesting that I very enjoyed the regular info an individual offer for your visitors? Is gonna be back regularly as a way to inspect new posts 113750

  2. 476185 730766Hello I identified the Totally free Simple Shopping Icons Download | Style, Tech and Internet post extremely fascinating therefore Ive included our track-back for it on my own webpage, continue the excellent job:) 261678

  3. 533862 856054Typically I dont read article on blogs, but I would like to say that this write-up really compelled me to try and do so! Your writing style has been amazed me. Thanks, extremely wonderful post. 639645

Comments are closed.