SIMULA na sa Enero 2, 2020 ang P5,000 kada buwan na minimum wage para sa lahat ng kasambahay sa Metro Manila, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ito ay makaraang aprubahan ng DOLE-NCR ang P1,500 dagdag sa minimum na sahod ng mga kasambahay na P3,500.
“’Yung last order kasi was 2017. So, medyo matagal na kaya we took it upon ourselves to approve an increase kahit walang petition,” wika ni Sarah Mirasol, regional director ng DOLE-NCR.
Aniya, sakop ng bagong wage order ang lahat ng kasambahay, yaya, cook, at hardinero.
Hindi naman kasama rito ang mga service provider, family driver, mga may foster family arrangement at minsanan lang magtrabaho.
Ayon pa kay Mirasol, bukod sa umento sa sahod ay dapat ding ibigay ng mga employer ang iba pang benepisyo sa kanilang mga kasambahay.
Susunod na pag-aaralan ng DOLE- NCR ang hirit ng mga labor group na itaas sa P750 ang minimum wage ng iba pang manggagawa. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.