WAGE ORIENTATION IKAKASA SA CORDILLERA

Cordillera Administrative Region

UPANG maging malinaw sa mga empleyado at  kompanya ang bagong kautusan sa pagpapasuweldo,  magsasagawa ng wage orientation ang Department of Labor and Employment at Regional Tripartite Wages and Productivity Board-Cordillera sa lahat ng lalawigan sa Cordillera Administrative Region.

Ayon kay RTWPB Secretary Augusto Aquillo, ito ay upang maiwasan ang kalituhan at hindi pagkakaunawaan sa mga kompanya at ­manggagawa.

Aniya, pagkatapos nito ay walang dahilan ang mga employer na hindi magbibigay ng karagdagang sahod sa kanilang manggagawa.

Magsisimula ang wage orientation sa Agosto 30 hanggang Setyembre 21.

Nabatid na simula Agosto 20 ay epektibo na ang P320 na minimum wage ng mga manggagawa sa Cordillera.  EUNICE C.

Comments are closed.