SINUSPINDE ng FIBA si Gilas Pilipinas guard Kiefer Ravena makaraang bumagsak ito sa drug test noong Pebrero 25, 2018 pagkatapos ng laro ng Gilas laban sa Australia sa FIBA World Cup Asian qualifiers sa Melbourne noong Pebrero 22.
Sa isang press conference noong Lunes ay todo suporta ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kay Ravena, gayundin ang kanyang mother team, ang NLEX Road Warriors. Nakita ko rin sa presscon ang mga magulang ng player na sina ex-PBA player Bong Ravena at Mozzy Ravena. Malagpasan sana ni Kiefer ang matinding pagsubok na ito sa kanyang career. Mabait na bata ito. Sa 18 months na pagkakasuspinde ay ano ang gagawin niya? Sana sa FIBA lang siya ‘di puwedeng lumaro. Bigyan sana siya ng pagkakataon sa PBA na makasama sa mga laro ng Road Warriors.
Nilinaw naman ng SBP na hindi nagpositibo si Ravena sa ilegal na droga. Ang banned substance ay nagmula sa isang over-the-counter mixed drink na kanyang ininom bago ang laro ng Gilas Pilipinas laban sa Japan noong Pebrero.
Kaya sa lahat ng atleta natin ngayon, kailangang maging maingat sila sa mga iinuming energy drinks. Hindi lahat ng pre-game drinks ay makatutulong sa inyong katawan.
oOo
Congratulations sa Jams Artist Production sa matagumpay na pag-organize ng PBA Legends sa Quezon province. Nasabik ang mga kababayan natin sa mga ex-PBA player tulad mina Allan Caidic, Alvin Patrimonio, Jerry Codinera, Kenneth Duremdes, Marlou Aquino,, Vince Hizon, Gary David, Willie Miller, John Ferriols, at Denok Miranda. Naging exciting ang laban nito sa Jams AP kasama si Mr. JoJo Flores. Bago ang laro ng Legends, ipinarada ng Jams ang top model nila ngayong taon. Sample pa lamang ang mga kalahok na models para sa finals showdown sa MOA sa Nov. 10.
oOo
Habang isinusulat ko ito, nakasalang sa championship game ang team ni coach Mark Guevarra Ballesteros sa Guam Invitational Under 15. Ang mga player niya ay ang limang Shan Bruins at hinaluan ng iba’t ibang varsity players ng FEU University, St. Anthony at Falcon Learning Center.
Very proud parents at grandpa si Mr. Noel Escondido Abat para sa apong si Dwane Dato na kasama sa Guam ni coach Ballesteros. First time ng 14-anyos na makapaglaro sa international competition. Very inspired maglaro si Dato kada may games ang Shan Bruins. Ito’y para sa kanyang pamilya at sa kanyang Lolo na may karamdaman. Grade 9 ang players sa naturang school
Pangarap niyang maging PBA player pagtuntong sa tamang edad kung saan si Allen Maliksi ang kanyang idol sa lokal, habang si Kyrie Irving sa NBA. Bata pa lang ay mahilig nang mag-collect ng shoes si Dwane. Mula kay Kyrie ay mayroon siyang basketball shoes. Good luck, Dwane!
oOo
Muli po kaming bumabati ng Happy 6th anniversary sa PILIPINO Mirror!
Comments are closed.