Wala akong anak sa labas — Dingdong Dantes

Mariing itinanggi ni Dingdong Dantes ang tsismis na may anak sila sa labas kay Lindsay Custodio.

Mahal raw niya ang kanyang pamilya at ayaw niyang maging target ng usapan ang mga ito.

Kung totoo raw na may anak siya sa labas ay aaminin niya ito, at mauunawaan ito ni Marian Rivera, lalo pa at naganap noong panahong wala pa silang relasyon.

Sakaling nagkaanak nga sila ni Lindsay, siguradco umanong susuportahan niya ito at kililalanin dahil hindi naman siya masamang tao. isa pa, walang kasalanan ang bata para madamay kung anuman ang hindi nila pinagkasunduan ng kanyang ina. Ngunit wala talaga umano silang anak ni Lindsay at gusto niyang linawin ito sa lahat.

Sa ngayon, naka-focus umano siya sa kanyang pamilya lalo na sa pagpapalaki ng kanyang mga anak. Gusto raw niyang maging magandang halimbawa sa mga ito.