MARIING pinabulaanan ni Mary Mae Sebastian, isa sa mga nagmamay-ari ng P.L. Sebastian Construction na may tanggapan sa Inayawan, Sta. Cruz, Davao del Sur, ang akusasyong mayroon o sangkot sila sa anumang ghost project partikular na sa National Irrigation Authority (NIA).
Bilang patunay ay agad na tinukoy ni Sebastian na siyam na proyekto na ang nakukuha nila sa pamahalaan simula nang sila ay lumahok sa mga bidding.
Kabilang dito ang Construction / Improvement of Maguinadanao-Sultan Kudarat Bdry. Lebak-Kalamansi Road sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong Mayo 2009 hanggang Disyembre 2011, Construction/ Improvement of Malabang -Sulatn Gumander Road sa ilalim ng DPWH noong Setyembre 2003 hanggang Disyembre 2007, Contract Package 3 Compostela-New Bataan- LIboton Road, Compostela Valley sa ilalim ng DPWH noong Disyembre 2000 hanggang Nobyembre 2003, Construction of River Protection/Flood Control Project sa ilalim naman ng Department of Enviroment and Natural Resources noong Disyembre 2005 hanggang Disyembre 2006, Parang—Barira Road, Upgrading Project Municipality of Parangand Barira, Maguindanao sa ilalim ng GEM2/USAID noong Pebrero 2006 hanggang Marso 2007, Construction of Baobo Diversion Dam, Right and Left Main Canals and Appurtent Structures for Southern Philippines Irrigation Sector project sa ilalim ng NIA noong Marso 2007 hanggang Agosto 2008, Construction/ Improvement of Kapalong- Talaingod -Valencia Bukidnon Road sa ilalim ng DPWH noong HUnyo 2008 hanggang Pebrero 2011, Concreting of Matanao—Kiblawan -Padala Road Package Including RROW, Davao del Sur sa ilalim ng DPWH noong Marso 2018 hanggang Enero 2019, at ang Widening (2 to 4 lanes) of Maniki Bridge ad approaches along Tagum—Panabo Circumferential Road Davao del Norte sa ilalim ng DPWH noong Hulyo 2018 hanggang Nobyembre 2021.
Binigyang-diin ni Sebastian na lahat ng kanilang proyekto sa pamahalaan ay kanilang natapos sa takdang panahon.
Bukod dito ang kanilang mga materyales na ginamit ay pawang akma sa bawat proyektong kanilang pinapasok.
Ang P.L. Construction , Inc., ay naitayo noon pang 1981 sa katauhan ni Petronilo L. Sebastian Sr. o mas kilala sa tawag na “Sir Nilo” at ngayo ay pinamamahalaan ni Engr. Petronilo Sebastian, Jr.
Ang kompanya ay itinuturing na AAA General Engineering and Building Contractor ng Philippine Contractors Accreditations Board (PCAB) ng Construction Industry Authority of the Philippines (CIAP)/ Department of Trade and Industry (DTI).
At tatak din ng kompanya ang pagkakakilanlan na Large B sa General Engineering and Building Category sa ilalim ng Contractor Registration Certificate (CRC) ng DPWH.
Aminado ang mga Sebastian na hindi naging madali ang paglago ng kanilang kompanya nang ito ay simulang itayo ni Sir Nilo at dahil sa kanilang pagsusumikap at pagtitiwala ng mga kliyente ay nagawa nilang magtagumpay.
Iginiit ni Sebastian na bukod sa mga tinukoy niyang proyeto sa pamahalaan ay mayroon din siyang mga kliyenteng pribado.
Ang paglilinaw ng mga Sebastian ay kanilang ginawa matapos na sila ay ipatawag ng Senado ukol sa imbestigasyon nito sa ginawang privilege speech ni Senador Raffy Tulfo ukol sa iregularidad sa mga irrigation projects ng NIA.
Sa naturang pagdinig ay agad na nilinaw ng mga Sebastian na hindi sila natatakot na humarap sa anumang pagdinig dahil wala naman silang palpak na proyektong pinasok, hindi lamang sa NIA kundi maging sa ibang ahensiya ng pamahalaan.
Handa rin ang mga Sebastian na makipagtulungan sa pamahalaan upang matukoy kung sino ang pumalkpak sa mga proyekto at bahagi ng mga ghost project.
Nanindigan ang mga Sebastian na hindi nila isusugal ang magandang pangalan, imahe at reputasyon ng kompanya na matagal nang inaalagaan at iningatan ng founder nila simula nang itayo ito noong 1981. PMRT