WALA MUNANG AUDIENCE ANG PBA

on the spot- pilipino mirror

LUNGKOT ang nararamdaman ngayon ng fans ng PBA dahil bawal muna ang audience sa loob ng venue ng bawat laro ng naturang liga. Ayon sa Joint Administrative Order (JAO), habang wala pang vaccine laban sa COVID-19 ay hindi  puwedeng magkaroon ng live audience ang mga laro. Para na rin ito sa kalusugan at kaligtasan ng mga follower ng PBA. Ayon pa sa JAO, maaaring ganapin lamang ang mga laro ng professional sports sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ .

Masusubaybayan naman ng fans ng PBA ang mga laro sa television  kung saan ang TV5 pa rin ang mag-eere nito.

Dahil bawal pa ang audience sa PBA games, ito ang ilang comments ng  fans.

“I miss the PBA Games, lalo na ang Ginebra. Habang wala pang vaccine laban sa COVID-19, mas mabuting umiwas muna sa mga  pagtitipon (or crowds). Kung magkakaroon ng maraming tao sa loob ng Coliseum, mas mabilis ang pagkalat ng virus. Sa simula siguro, ok lang na wala munang fans, para na rin sa kapakanan ng lahat. Kapag may vaccine na, sana payagan na ulit ang PBA fans na manood.” — Beck Bontorpstro ng Manila, avid fan ng Barangay  Ginebra.

“ Ano ba ‘yan, bakit naman ganun. Sobrang miss ko na ang PBA lalo na ang Rain or Shine at players nila. Wala naman kaming magagawa kung bawal pa kami, naintindihan namin para sa kapakanan din ng health naming.” —  Guadalupe Velez aka Sharon, ROS loyal fan, Makati Coty.

“Sa totoo lang ay nakalulungkot na ‘di puwede ang fans sa loob ng venue, pero sa isang banda ay makabubuti iyon sa lahat, lalo na sa mga manlalaro. Kaunting hintay lang tayo at darating din ung araw na makakabalik tayo sa normal at tuloy ang ligaya sa panonood at makita ang ating paboritong manlalaro at idol kong si Mgr. Alvin Patrimonio.” – Merlinda Felismino Chambers from Dasmariñas, Cavite ng Solid Alvin Patrimonio Fans Club Team Magnolia.

o0o

Nagbago ang isip ni  Mr. Dioceldo Sy, team owner ng Blackwater, at hindi na niya ibebenta ang franchise nito. Nagbago na rin ng monicker si Mr. Sy. Ang dating Elite ay ginawa na niyang BOSSING. Ayon kay Dioceldo, idol niya kasi si Bossing Vic Sotto kaya  ginawa niyang Blackwater Bossing. Congrats sa mga player ng Bossing at tuloy ang ligaya dahil magpapatuloy ang paglahok ng team sa PBA. Wala nang alalahanin ang mga manlalaro ng team. Tuloy ang laban ng Blackwater Bossing.

o0o

Nilinaw ng Games and Amusement Board (GAB) na ang mga may edad na 60 o yaong senior cetizen nang mga coach ay pinapayagan nilang makasama sa training ng team basta kumpleto sa papeles hinggil sa kanilang medical.

Ayon sa Joint Administrative Order ng Department of Health, GAB at ng Philippine Sports Commission, pinahintulutan nila na isama ang mga ateta, coach at iba pang parte ng team na may edad 60 upang makasabay sa bahagi ng pag-eensayo sa panahon ng Covid-19 pandemic.

Dati kasi ay  ipinagbabawal ang mga senior cetizen na makasama  sa practice dahil iniisip ng pumunuam ang kalusugan ng mga ito.

Comments are closed.