MAKARAAN ang tatlong oras, bumalik sa normal ang estado ng Marikina River at tinanggal na ang alert level 1.
As of 9:00 ng umaga kahapon, Linggo, nang tanggalin ang alerto sa nasabing katubigan,
Sa datos ng Marikina City Rescue, nasa 14.3 meters na lang ang antas ng tubig sa ilog.
Wala na ring namo-monitor na pagbuhos ng ulan sa mga lalawigan na malapit sa Marikina City.
Una nang inilagay sa alert level 1 ala-6 ng umaga dahil umabot sa 15.1 meters ang water level nito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.