WALA NANG HIHIGIT PA

WALA nang gaganda at kaaya-aya pa sa mukhang ngumiti mula sa matinding kalungkutan, takot at galit.

Ibig sabihin nito, kung anumang negatibong karanasang pinanggalingan, ay nakakarekober na siya.

At ang vibes na siya ay nakaalis sa negatibong nararamdaman ay contagious o nakakahawa sa lahat.

Gaya rin ng ating bansa na lubhang nasadlak ang ekonomiya mula sa dagok ng pandemya.

Bagaman hindi lang ang Pilipinas ang nakaranas ng mapait na epekto ng lockdowns, sadyang nakapagbibigay ng ngiti ang pagrekober ng bansa.

Salamat sa mga nasa gobyerno na nagpapalakad para makarekober ang bansa, nararanasan natin ang bahagyang pag-alwan ng ekonomiya.

Nakakarekober na rin naman kung ikukumpara noong apat na taon ang nakalilipas.

Sa mga personal development, tama na nakakagawa tayo ng mga maling pagpapasya at kasalanan, subalit dahil nariyan pa rin ang ating mga paniniwalang relihiyoso, nananatili ang ating konsensiya na kumakatok para pagsisihan ang maling nagawa at naisip.

O kaya naman ay ang hindi na pag-ulit sa maling gawain.

Kaya sa patuloy na pamumuhay ng lahat, nagkaroon man ng mali o negatibong pakiramdam, may mga tiyansa naman na bumawi at ituwid ang lahat.

Wala nang hihigit pa sa mabuti at maganda kung makakarekober at hindi na uulitin ang pagkakamali.