WALA NANG PURCHASE LIMITS SA FACE MASKS, DISINFECTANTS, CANNED GOODS

BOI Chairman Ramon Lopez

MAS marami na ngayong mabibiling face masks, disinfectants, at canned goods ang mga shopper.

Ito ay makaraang ianunsiyo ni Trade Secretary Ramon Lopez na inalis na ang purchase limits para sa essential items makalipas ang mahigit tatlong buwan dahil sa pagkakaroon ng sapat na suplay.

“Now, we have an abundant supply of masks. That’s the reason why just recently, about two days ago, we are removing these limits in purchases,” wika ni Lopez sa virtual Kapihan sa Manila Bay forum.

Mula sa limit na limang piraso kada transaksiyon, ang mga tao ay makabibili na ngayon ng isang kahon na naglalaman ng 50 face masks. Samantala, inalis na rin ang limit para sa pagkain tulad ng instant noodles at iba pang essential items.

Ang DTI ay nagpatupad ng polisiya laban sa hoarding ng supplies sa kasagsagan ng enhanced community quarantine sa Luzon. Ang limit sa individual purchases ay naglalayon ding protektahan ang mga consumer laban sa mga taong magtatagk ng nasabing mga produkto at ibebenta ito sa mas mataas na presyo.

Sakop ng anti-panic buying circular ng ahensiya na may petsang March 19 ang disinfectant alcohol, hand sanitizers, bath soap, toilet paper, face masks, instant noodles, canned sardines, canned and powdered milk, instant coffee sachets, mi¬neral water, at loaf bread.

Comments are closed.