(Wala ng kaso ng COVID-19) 1 SA 4 ISOLATION FACILITY SA PASAY VACCINATION SITE NA

INIHAYAG ng lokal na pamahalaan ng Pasay na ang isa sa kanilang isolation facility ay gagawin na lamang na vaccination site para sa pagtuturok ng bakuna sa 585 indibidwal na gamit ang kararating lamang kamakalawa sa bansa na Pfizer vaccines.

Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang Padre Burgos Ele­mentary School (PBES) na isa sa apat na isolation faci­lity sa lungsod ang gaga­wing vaccination center dahil wala na namang indibidwal na may kaso ng COVID-19 na naka-quarantine dito.

Inaasahan ng lokal na pamahalaan ang pamamahagi ng gobyerno sa lungsod ang 1,170 Pfizer vaccines para agad namang maibigay na ang first dose ng bakuna ngayong araw.

Prayoridad sa mga tatanggap ng Pfizer vaccines na ipagkakaloob ng gobyerno sa lungsod ay ang mga dati nang nakalista para mabigyan ng bakuna na napapabilang sa target na kategorya ng A1, A2 at A3 na mga frontline workers, senior citizens at adults na mayroong co-morbidities.

Kabilang sa dalawang isolation facilities na nakapagtala ng zero admission sa nakalipas na isang buwan ay ang PBES na may 58 na kamang kapasidad gayundin ang Pasay City Sports Complex (PCSC) na mayroon namang 59 kamang kapasidad.

Ang Mall of Asia (MOA) na pinakamala­king isolation facility sa lungsod ay mayroong kapasidad na 109 kama na mayroon pang pasyenteng naka-quarantine na 48 na indibidwal habang ang Folk Arts Theater (FAT) naman na may kapasidad na 75 na kama ay may 43 pang indibidwal na may kaso ng COVID-19.

Gayundin, unti-unti ng bumababa ang kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan nakapagtala na lamang ang lungsod ng 149 aktibong kaso kabilang ang 21 naitalang bagong kaso ng virus. MARIVIC FERNANDEZ

4 thoughts on “(Wala ng kaso ng COVID-19) 1 SA 4 ISOLATION FACILITY SA PASAY VACCINATION SITE NA”

  1. 231773 857251It is perfect time to make some plans for the future and it is time to be pleased. Ive read this post and if I could I wish to suggest you some intriguing things or suggestions. Perhaps you can write next articles referring to this write-up. I want to read even a lot more items about it! 135066

Comments are closed.