PINAKAKALMA ng Department of Health (DOH) ang publiko matapos na mapaulat na nananalasa ngayon ang “black plague o pneumonic plague” sa China.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, hindi dapat na mabahala ang publiko hinggil dito dahil wala pang patunay na ito ay kumalat na.
Aniya pa, wala ring katunayan na marami nang apektado o namamatay dahil sa black plague.
Tiniyak din ni Duque na ang DOH ay may sapat ng mga bakuna laban sa iba’t ibang mga sakit.
Hindi rin aniya sila nawawalan ng antibiotics.
Ipinaliwanag pa niya na anumang sakit kapag napabayaan at binalewala ang kalusugan ay mataas ang fatality rate.
Aminado si Duque na minsan ito ay dahil sa kahirapan, o hindi agad nadadala sa mga pagamutan ang pasyente, dahil walang pera.
Nabatid na sa China ay dalawang kaso ng pneumonic plague ang naitala na sinasabing naisasalin sa tao dahil sa infected rats o daga at ang baga ng mga biktima ang tinamaan.
Kabilang sa mga sintomas ng naturang sakit ay mga lagnat, pananakit ng katawan, pagkahilo at pagsusuka.ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.