(Wala pang naitatala-DOH) PAMAMAGA NG PUSO SA VACCINES

WALA  pang anumang kaso ng “heart inflammation” o pamamaga ng puso na naitatala ang Department of Health (DOH) sa mga taong nabakunahan na ng Pfizer at Moderna COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

Nauna rito, sa Amerika ay idinagdag na ng US Food and Drug Administration (FDA) ang rare risk ng pamamaga ng puso sa ‘warning to patient’ at ‘provider fact sheets’ para sa Pfizer at Moderna COVID-19 vaccines.

Ayon naman kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, nakarating na rin sa DOH ang ulat sa ibang bansa hinggil sa ‘rare cases’ ng ‘heart inflammation’ matapos na maiturok ang bakuna ng Pfizer at Moderna.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na wala pa namang ganitong experience o karanasan ang mga nabakunahan ng mga nabanggit na bakuna sa bansa.

Aniya pa, mainam na hintayin na lamang din ang manufacturers na magbigay ng opisyal na abiso na isinama na nila ang rare heart inflammation bilang bahagi ng “warnings” o babala sa kanilang bakuna.

Matatandaang ang mga COVID-19 vaccine ng Pfizer ay kabilang sa mga bakunang ginagamit sa COVID-19 vaccination program sa bansa.

Habang kamakailan ay may dumating na ring mga supply ng Moderna vaccines at sinimulan nang iturok sa mga mamamayan. Ana Rosario Hernandez

46 thoughts on “(Wala pang naitatala-DOH) PAMAMAGA NG PUSO SA VACCINES”

Comments are closed.