WALA PANG PANREGALO NGAYONG PASKO?

necklace-2

Subukan ang personalized necklace at rings ng Spire Jewelry

(ni CT SARIGUMBA)

MARAMI pa rin sa atin na hanggang ngayon, wala pang naiisip na panregalo sa mahal nila sa buhay. Sa katunayan nga naman, mahirap din ang mag-isip ng kakaiba at magugustuhan ng ating pagbibigyan. Bukod din sa pag-iisip ng espesyal na ibibigay sa mga taong mahalaga sa atin, isa pa sa dahilan ay ang kawalan ng panahong magtungo sa mall kaya’t hindi pa nakabibili ng maganda at swak na regalo ang ilan.

Uso na ngayon ang pagbili sa online. Wala nga namang kahirap-hirap dahil isang pindot mo lang ay makapipili ka na at makabibili ng gusto mong produkto o regalo.

Sa ngayon, handog ng isang jewelry seller, ang Spire Jewelry ang dekalidad at personalize na produkto. Isa itong Israel-based internet seller na ang layunin ay ma-empower ang practical at stylish women sa pamamagitan ng array of customize, high-quality necklaces at rings na gawa gamit ang es-pesyal na gemstones at gold-plated metals.

Nais ng naturang kompanya na makapag­handog ng dekalidad ngunit abot-kayang produkto na swak sa stylish at fashion-forward Filipinas. Nga-yong holiday season, handog nila ang jewelry pieces na ideal at budget-friendly na panregalo sa pamilya, gayundin sa mga kaibigan.

Bawat jewelry ay handcrafted ng local artisans para maipakita ang latest style trends suited for a queen. Patok na patok itong panregalo lalo pa’t ang disenyo ng kuwintas at singsing ay personalize, puwede mo itong lagyan ng pangalan at maaari rin itong gawin base sa style at trends na gusto mo.

“At Spire Jewelry, you can choose wonderfully crafted pieces free to customize with beautifully made typefaces and fonts. From necklaces to re-fined rings, we got you all covered in the most wonderful time of the year,” ani Noam Sinansky, CEO of Spire Jewelry.

Hindi mahal ang pagiging maganda at elegante. At sa rami ng disenyong ng kuwintas at singsing na maa­aring pagpilian, maaari mo pa ring mai-pakita ang pagmamahal mo sa pamamagitan ng beautifully-made pieces na swak o patok sa bulsa pero hindi pahuhuli sa style at trends sa panahon nga-yon.

Ilan sa maaaring pagpilian ay ang heart shapes na ang presyo ay mula sa PhP1,450 to PhP2,200. Mayroon ding monogram, infinity, at bar necklac-es. Samantalang ang name rings naman ay nagkakahalaga ng PhP1,550. Ang kagandahan pa nito ay on sale ito at free shipping nationwide for a limited time only.

Nagsimula man ang Spire Jewelry sa Israel, dahil na rin sa pagiging fashionista at hilig ng mga Filipino rito kaya’t nagkaroon ito ng market sa bansa. Ayon pa kay Sinansky, sinimulan ang kompanya na nasa isip nila ang pagmamahal ng mga Filipino sa jewelry. Sa ngayon ay mayroong isang manufacturing facility ang naturang kompanya sa Israel at apat na facilities naman dito sa Filipinas.

“We are grateful for the continuous support of our customers. We know that Filipinos love custom-made products and, they usually give them as gifts, either for themselves or their family and loved ones. With our customized jewelry items, we want to provide them the best way of showing their love through necklaces and rings, perfect in making much more memorable moments,” dagdag pa ni Sinansky.

Taong 2018 nang i-launch ang Spire Jewelry at sa ngayon ay mayroon na itong thousands of costumer sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang lahat din ng kanilang jewelry products ay maaaring mabili online sa pamamagitan ng Cash On Delivery (COD). Ilan pa sa tumatangkilik sa nasabing brand bukod sa Metro Manila ay ang Calabarzon, Central Luzon, Central and Western Visayas, Davao Region, at maging ang Northern Mindanao.

Available rin ito sa mga bansang Israel, Thailand at Vietnam. Sa mga interesado, maa­aring i-check ang kanilang website na https://spire.store/. O i-follow ang kanilang Facebook page, @SpireJewelry para sa karagdagang impormasyon o updates.

Comments are closed.