WALA PANG SOLID EVIDENCE SA NEW STRAIN NG CORONAVIRUS-DOH

DOH

PINAWI ng Department of Health (DOH) ang pangamba  ng publiko kaugnay sa bagong strain ng coronavirus makaraang bigyan ng awtorisasyon ang  Philippine Genome Center o PGC  upang ituloy ang pag-aaral kaugnay sa nasabing strain  at mangalap pa ng dagdag na mga impormasyon.

Sa isang media forum, sinabi ni Usec Maria Rosario Vergeire na ang nadiskubre ng PGC na bagong strain ng coronavirus  na natagpuan sa Filipinas at sinasabing may infectious o nakakahawa ay wala pang “solid evidence”.

Batay  sa pag-aaral ng PGC,  ang bagong strain ay  G614 na sinasabing  nag-mutate na umano.

Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na  dapat maintindihan ng publiko na ang nasabing pag-aaral  ng PGC ay naka-tutok pa lamang sa Quezon City.

Aniya, hindi ibig sabihin na ito ay representative sample  para sa buong bansa.

Patuloy naman  ang pag-aaral dito ng PGC at malalaman sa mga darating na araw kung ano pa ang mapapakita o resulta nito.

Dagdag pa ni vergeire, hindi pa tiyak  na ito ay mangyayari sa Filipinas  dahil wala pang solidong ebidensya  na mas transmissible at mas mabilis na nakahahawa sa iba  ang strain.

Paalala nito sa publiko,  anumang strain ng coronavirus na lumutang sa Filipinas ay kailangang huwag kalimutan ang mahigpit na pagpapairal ng  health protocols para malabanan ang coronvirus PAUL ROLDAN

Comments are closed.