ARESTADO ang isang lalaki na nagawang pasukin ang saradong bangko para magnakaw sa pamamagitan ng pagsira ng glass panel sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, ang suspek na si Mark Joseph Lomeda, 27-anyos, residente ng 1154 Masagana St. Heroes Del 96 Bryg. 73.
Ayon sa report, nagawang matunton at maaresto ng mga tauhan ng Grace Park Police Sub-Station 2 sa pangunguna ni P/SSgt. Herbert Martinez at Pat. Mark Bryan Ballicud ang suspek habang gumagapang sa kisame ng second floor ng PS Bank branch sa Rizal Avenue Ext. near corner 10th Avenue, Grace Park bandang alas-11 ng gabi.
Sa imbestigasyon nina P/Cpl. Niño Nazareno Paguirigan at P/SSgt. Arjay Terrado, bandang alas-8:40 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang PS Bank Inspector na si Rene Cerbana, 43-anyos, mula sa head office ng PS Bank sa Makati City at ipinaalam sa kanya na isang hindi lalaki ang nakita ng CCTV operator sa loob ng premises ng bank branch sa Caloocan.
Kaagad nagtungo si Cerbana at kanyang kasama na si Elvis Abdon, 29-anyos sa naturang lugar at nang mapansin nila ang basag na glass panel ay sumilip sila sa loob ng bangko kung saan nakita nila ang suspek na gumagala sa loob.
Humingi ng tulong ang dalawa sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at narekober sa kanya ang isang Bluetooth speaker at bala ng cal. 38.
Giit naman ng suspek na wala siyang ayudang natatanggap mula ng pandemic kaya nagawang pagnakawan ang bangko.
Iprinisinta ang suspek sa inquest proceeding sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong robbery at paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. VICK TANES
609054 429126Thank you for your quite excellent data and feedback from you. san jose car dealers 976020
492880 187624The very good intreguing articles keep me coming back here time and time once again. thank you so much. 80419