WALANG BANTA NG TERORISMO SA QC

TERORISMO

NANINDIGAN si Quezon City Police District (QCPD) Director, Brig. Gen. Joselito Esquivel na walang namomonitor na banta ng tero­rismo sa kanyang nasasakupan.

Ginawa ni Esquivel ang pahayag sa bomb disposal simulation at sinabing ang pagsasanay ay bahagi lamang ng routinary training upang laging handa ang police bomb disposal unit at iba pang opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa posibleng pag-atake.

Nagsasagawa aniya ng mga pagsasanay para makita ng mga pulis ang mas mabuting aksyon sa oras ng anumang pag-atake.

Dagdag pa nito, ang aktibidad ay kasunod ng utos ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Alba­yalde na tutukan ang mga lugar na madalas puntahan tuwing bakasyon at Semana Santa.

Isinagawa ang simulation ng bomb disposal sa isang food park sa Cubao bilang pagsasanay sa pagresponde kapag may naganap na pagsabog.

Kasama ng QCPD sa aktibidad ang Bureau of Fire Protection (BFP), QC Disaster Risk Reduction and Management Office at Philippine Red Cross. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.