WALANG BIR REVAMP DAHIL SA COVID-19

Erick Balane Finance Insider

WALA munang galawan o pagbalasang isasagawa sa key officials ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para mabigyan ng pagkakataon na mapag-ibayo pa ang pagkolekta ng buwis sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa halip, ang major shake up sa BIR ay posibleng isagawa sa pagpasok ng 2021 matapos na maka-recover sa tinamong matinding ‘shortfall’ sa tax collections na epekto ng pagsasara ng ilang business establishments, pagkalugi sa negosyo at pagbagsak ng ekonomya sanhi ng pandemya.

Una nang pinapurihan ni Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III ang ekselenteng tax collection performance na ipinamalas ng mga tauhan ni BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay makaraang himalang maka-recover sa dinanas na shortfall sa tax collections at mahigitan ng mga regional director  at revenue district officer ang kani-kanilang tax collection goal sa sariling pagsisikap na makumbinsing tumupad sa kanilang obligasyon  ang taxpaying-public.

Bunsod ito ng halos P7 bilyong paglobo sa tax collections ng BIR Makati City – (B) sa ilalim nina BIR Regional Director Glen Geraldino at Assis-tant Regional Director Bobby Mailig na sa buwan pa lamang ng Agosto ay na-meet na ang goal at posibleng umabot pa sa mahigit P20 bilyon ang so-brang koleksiyon bago matapos ang kasalukuyang taon.

Pumangalawa sa top collection performance ang BIR Makati City – (A) ni Director Maridur Rosario at ng assistant nitong si Greg Buhain habang magkakasunod ang BIR Quezon City A & B nina Regional Directors Albin Galanza at Romulo Aguila, BIR Manila at BIR Caloocan City sa ilalim ng pamamahala nina Regional Directors Jethro Sabariaga at Grace Javier.

Sinabi ng source na pinigil muna ni Secretary Dominguez ang nakatakda sanang major revamp na planong isagawa ni Commissioner Dulay dahil sa gumagandang tax collection performance ng mga regional director at revenue district officer, hindi lamang sa Metro Manila, kundi maging sa mga karatig-probinsiya bilang ‘reward’ sa ipinamalas na kasipagan sa pagkolekta ng buwis sa kasagsagan ng COVID-19.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nasiyahan sa ipinamalas na tax collection performance ng BIR sa kabila ng pananalasa ng COVID-19.

Ang revamp ay isasagawa sana dahil sa nalalapit na pagreretiro sa serbisyo ng ilang regional directors at revenue district officers.

Kabilang sa mga bumandera sa overall tax collections sina Metro Manila RDOs Rufo Ranario, ng Valenzuela City; Saripuden Bantog, Marikina City; Corazon Balinas, Cubao; Arnulfo Galapia, QC-South; Ray  Anthony Geli, Taguig-Pateros; Antonio Ilagan, QC-North; Rodel Buenaobra, ng No-valiches; Rebe De Tablan, Paranaque City; Ignacio Camba, Muntinlupa City; Renato Mina, Pasay City; Merlyn Vicente, Las Pinas City; Deogracias Villar, Jr., Mandaluyong City; Bethsheba Bautista ng San Juan City; Vicente Gamad, Jr. ng Pasig City; Cynthia Lobo ng Cainta/Taytay; Elmer Carolino at Jose Edimar Jaen ng Bulacan; Miguel Morada, Jr., Caloocan City; at Jose Luna, Teresita Lumayag, Shirley Calapatia, Linda Grace Sagun, Jose Maria Hernandez, Carolyn Takata at Lorenzo Delos Santos na pawang sa Manila District Office.

Pabor sina Secretary Dominguez at Commissioner Dulay na manatili muna sa kanilang posisyon ang mga regional director at revenue district officer  upang hindi mabahiran ng kulay ang anumang movement na planong gawin sa panahon ng pandemya.

Una nang nagpasiya ang cabinet-level Development Budget  Coordinating Committee (DBCC) na bawasan ang taxable year 2020 collection target ng BIR at Bureau of Customs (BOC) mula sa tax goal na P2.26 trilyon sa P1.744 trilyon na lamang sa parte ng Kawanihan ng Rentas at mula naman sa P706.881 bilyon ay ibinaba sa P520 bilyon na lamang ang tax collection goal sa panig ng Aduana dahil sa domino effect ng COVID-19.



Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].

Comments are closed.