WALANG DAGDAG NA SUGAR IMPORTS

Secretary Emmanuel Piñol

HINDI na aangkat ng karagdagang asukal ang bansa dahil hindi ito hinihingi ng pagkakataon, ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol.

Ginawa ni Piñol ang pahayag kasunod ng anunsiyo ng Economic Development Cluster (EDC) na pagbubukas ng importation ng asukal sa direct users bilang hakbang para agad na matugunan ang inflation sa bansa.

Paliwanag ni Piñol, ang ibig sabihin ng panukala ng EDC ay rerepasuhin lamang ng gobyerno kung paano isinasagawa ang pag-angkat ng asukal.

“We are not importing. There is no additional imports. We will only allow importation if there is a perceived shortage but this time around we would change the system of importation,” aniya.

“There will be no additional importation as of the moment,” dagdag pa niya.

Ayon sa agriculture chief, rerebyuhin nila ang kasaluku­yang sugar importation system kung saan ang volume allocations ay ibinibigay sa mga magsasaka sa pamamagitan ng certificate of reclassification rights (CORR).

“The current importation system does not contribute in bringing the prices down,” ani Piñol. JASPER ARCALAS

 

Comments are closed.