UPANG makamit ang balanse sa pagitan ng pagsusulong ng road safety at hindi na makadagdag pa sa paghihirap ng publiko sa panahon ng pandemya, ibinagsak ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) ang kanilang testing fee na katulad na lamang ng sinisingil sa ilalim ng dating sistema.
Hindi na rin muna maninigil ng retesting fee ang mga PMVIC sa loob ng isang taon bilang suporta sa pamahalaan.
Ito ang inihayag kahapon ni Inigo Larrazabal, presidente ng Vehicle Inspection Center Operators Association of the Philippines (VICOAP), ang pinakamalaking organisasyon ng PMVICs sa bansa, sa isang press conference na ipinatawag ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay Larrazabal, ibinaba nila ang testing fee sa P600 para sa light vehicles, P500 sa mga motorsiklo at P300 para sa mga pampasaherong dyip. Inamin ni Larrazabal na mangangahulugan ito ng pagkalugi ng PMVICs subalit ipinaliwanag na ginagawa nila ito bilang pagtalima sa kanilang hangaring mapanatiling ligtas ang kalsada mula sa mga sasakyang hindi “roadworthy”.
“In the same way that we responded to the first call of the government about roadworthiness and made the investment without hesitation, we continue to believe that this is a good and worthy program,” ayon kay Larrazabal.
“We understand fully that given today’s economic climate, many Filipinos are struggling financially. Many have lost their jobs while others are struggling to change industries,” ani Larrazabal. “And yet, with the economy re-opening, we are running the risk of allowing millions of unchecked vehicles back on the road, putting Filipinos at risk of tragedy.”
Sa kabila ng malaking pagkalugi, sinabi ni Larrazabal na ang VICOAP ay nakatuon pa rin para sa mas ligtas na mga kalsada para sa mga Filipino.
“If running at a loss will help Filipinos during this time of pandemic, then we will happily oblige,” sabi pa ni Larrazabal. “At the end of the day, what matters is that we save as many lives on the road as we can, and it is a cause that VICOAP will bleed for. “
Ang iba pang dumalo sa pess conference tulad nina Joebert Bolaños, chairperson ng Motorcycle Rights Organization (MRO), at kasalukuyang Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI) president Dr. Leo Olartay ay nagsalita rin at nagpahiwatig ng kanilang suporta para sa PMVIC program. Sinabi ng dalawa na kinakailangan pa ring i-prioritize ang road safety kahit na mas mababa ang bayad.
“May kasunduan kami with LTO na maayos ang regulation,” ani Bolaños. “The PMVICs reached out to MRO, and we are work-ing with the owners on their system and processes to make sure everything is done right, fair, and proper for all vehicles, including the two-wheeled ones.”
Binigyang-diin din ni Olarte na patuloy pa rin ang road accidents sa Filipinas. Sinabi niya, “Yearly ito nangyayari, ‘yung classic road accidents. As a doctor I can sympathize with the victims. This long-overdue system, as mandated by law, must be implemented. Let us help mitigate the pain as we fight an equally urgent emergency.”
Nitong nakaraang Miyerkoles sa ginanap na congressional hearing para sa Committee on Transportation, humingi ng pagpapawalang-bisa ng obligasyong pinansiyal para sa publiko mula sa mga may-ari ng PMVIC sina Committee Chair Rep. Edgar Sarmiento, Deputy Speaker Rodante Marcoleta, Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo, at Pampanga Rep. Juan Miguel Macapagal Arroyo.
“Iregalo lang muna natin sa mga mamamayan,” sabi ni Rep. Sarmiento sa mga may-ari ng PMVIC at tinanong kung mawe-waive nila ang retesting fee. “Can you do that for this country?”
Ipinahayag din niya ang suporta niya sa proyeko.“We are here to help a project that is very laudable.”
Sinabi ni Deputy Speaker Marcoleta na sa kabila ng mga kontrobersiyang pumapaligid sa PMVIC program, hindi dapat i-“castigate” ng mga kritiko ang mga regulatory body na nagpapatupad sa programa.
“I am not making a pre-judgment. Let us give them a chance to speak,” dagdag pa niya.
Nagpahiwatig naman ng suporta si Rep. Castelo para sa pagpupunyagi na ipakilala ang road worthiness inspections. Ibinihagi pa niya ang isang insidente sa Batasan Hills noong 2018 kung saan ang sirang brake ng isang truck ay nag- resulta sa pagkawala ng mga buhay.
“Namatay ang mga constituents, nawalan ng ama. We could have prevented those things kung maayos ang inspection, hindi lang smoke emission,” sabi ni Rep. Castelo. “Maiiwasan natin ang aksidente at kamatayan ng ating mga kababayan.”
Ayon kay Larrazabal, patuloy ang commitment ng VICOAP para gawing mas ligtas ang mga kalsada sa Filipinas sa kabila ng mga bagong developments sa pag-implementa ng PMVIC program.
“Road tragedies have long been part of a silent epidemic that has gone ignored for far too long,” ani Larrazabal. “People are losing life and limb for something that can be easily prevented with regular roadworthiness checks, and that is precisely why VICOAP was formed.”
Comments are closed.