KUNG susundin lamang natin ang batas trapiko, wala dapat tayong ipangamba.
Ipatutupad na ng MMDA ang single ticketing system sa mga susunod na buwan.
Ang mahirap sa mga ibang motorista, malakas sa angal kapag napeperwisyo sa mga pasaway na mga drayber at naaabala sa masikip na daloy ng trapiko. Subalit kapag sila ang naapektuhan ng pagsasaayos at pagdisiplina sa batas trapiko, aba’y masahol pa sa nagpuputak na manok ang mga ito.
Tulad na lamang nitong mga penalties ng bagong single ticketing system. Aba’y may naglabas ng balita sa isang malaking pahayagan na aabot daw ng P10,000 ang babayaran ng isang motorista kapag lumabag sa batas trapiko.
Teka…teka. Puwede bang ilagay natin sa wastong pananaw ito. Tinatakot ninyo yata ang publiko.
Ayon sa batas, ang isang motorcycle rider na hindi nagsusuot ng helmet habang nagmamaneho, kapag nahuli, ay magbabayad ng P1,500 sa unang paglabag. P3,000 sa pangalawang paglabag at P5,000 sa pangatlong paglabag ng nasabing batas. Kapag matigas pa rin ang ulo ng nasabing pasaway na motorcycle rider, papatawan na ito ng multang P10,000. Ano ang ibig sabihin nito? Kapag hindi mo sinusunod at nirerespeto ang batas trapiko, kailangan ay taasan na ang babayaran mo. Ano ba ang diwa ng batas na ito sa pagsusuot ng helmet? Ito ay para sa kaligtasan ng mga nakasakay sa motorsiklo. Mahirap bang unawain ito?!
Heto pa ang isang panakot sa naglabas ng balita na ito. Ayon daw sa Metro Manila Council (MMC), ang mga nagmamaneho ng kotse na walang child seat na may seatbelt ay magbabayad ng P5,000. Samantalang P10,000 naman sa mga motorcycle rider na nagsasakay ng bata.
Ito ang paliwanag:
The traffic fines or penalties would be uniform across Metro Manila under the new scheme which still enforces existing traffic rules and regulations, including special laws such as Republic Act 11229, or the Child Safety in Motor Vehicles Act that requires the use of Child Restraint System (CRS) or a child seat when driving with children younger than 12 years old, and Children’s Safety on Motorcycle Act.
Violation of the Child Safety in Motor Vehicles Act, for example, will impose a P1,000-fine against a driver on the first offense; P2,000 on the second offense; and P5,000 on the third and subsequent offenses.
The penalty for using substandard CRS will be P1,000, P3,000 and P5,000 on the first offense, second offense and the third and subsequent offenses, respectively.
Violation of the Children’s Safety on Motorcycle Act, on the other hand, comes with a fine of P3,000 on the first offense; P5,000 on the second offense; and P10,000 on the third and subsequent offenses.
Under the Children’s Safety on Motorcycle Act, children are prohibited to ride motorcycles unless:
(a) The child passenger can comfortably reach his/her feet on the standard foot peg of the motorcycle;
(b) The child’s arms can reach around and grasp the waist of the motorcycle rider; and
(c) The child is wearing a standard protective helmet referred to under Republic Act No. 10054, otherwise known as the “Motorcycle Helmet Act of 2009.”
Susmaryosep. Ano ba ang mali sa batas na ito? Proteksiyon at kapakanan ng bata ang pakay ng batas na ito.
Tandaan. Ito ay batas na ipinasa ng Kongreso. Ipinatutupad lamang ito ng MMDA. Dumaan ito sa masusing pag-aaral. Ang iniisip dito ay ang kaligtasan ng mga bata. Hindi ba katanggap-tanggap ito? Umaangal ba ang iba sa atin sa batas na ito dahil mataas ang penalty? Wala bang anak o batang kapatid na maaaring masawi sa aksidente sa lansangan ang mga hindi sang-ayon dito o pansarili lamang ang iniisip nila?
Itigil na ang angal. Sumunod tayo sa batas. Panahon na para lagyan ng disiplina sa ating lansangan. Nagtataka nga ako sa mga kababayan natin. Kapag nasa ibang bansa na mahigpit ang pagpapatupad ng batas lalo sa usapang trapiko, walang angal. Sumusunod ang mga Pilipino. Bakit hindi natin magawa ito sa ating bansa? Nagtatanong lang po.