WALANG DOWNPLAYING SA BASILAN BOMBING – AFP

Col Edgard Arevalo

CAMP AGUINALDO – MULING nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang downplaying sa kanilang pahayag na hindi foreign ­terrorist o  suicide bombing ang naganap na pagsabog sa Lamitan City,  Basilan noong Hulyo 31.

Wala rin umanong pinagtatakpan ang militar sa kanilang pahayag na posibleng Abu Sayyaf ang may kagagawan ng roadside bombing kung saan isang van ang sumabog kasama ang driver nito at sundalo kasama ang CAFGU member.

Paliwanag ni Col. Edgard Arevalo,  spokesman ng AFP, walang ebidensiya na suicide bomber ang van driver habang hindi rin tiyak ang ulat na isang foreign looking ito.

Sinagot din ni Arevalo ang pag-ako ng ISIS na mi­yembro nila ang nagpasabog at sinabing posibleng sumasakay lamang ang international terrorist dahil trabaho nila ang lumikha ng takot.

Ipinaalala rin ni Arevalo ang pagsabog sa Resorts World Manila na sa unang balita ay caucasian looking ang suspek at napaulat din na likha ito ng terorista na sa bandang huli ay isang Filipino na nalulong sa sugal ang may kagagawan.

Paglilinaw ni Arevalo,  nais lamang nilang maging maingat sa pahayag at matiyak kung sino ang may kagagawan ng Basilan bombing.

Kasabay nito,  maigting din ang kanilang pagbabantay sa estado lalo na sa mamamayan.

Umapela rin ang AFP na maging kalmado at maki­pagtulungan sa pamahalaan sakaling mayroong alam na maging banta.      EUNICE C.

Comments are closed.