WALANG DREDGING OPERATIONS- PRA

CAVITE- WALANG isinasagawang Seabed Quarry Operations ang Philippine Reclamation Authority (PRA) sa sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito.

Ito ang nilinaw ni Assistant General Manager Joseph Literal ng PRA makaraang lumabas ang ulat na may dredging operations ang nasabing ahensiya kung saan may Fisherfolk Community sa nasabing lugar.

Ani Literal, sa loob ng humigit kumulang daan-daang libong ektaryang lupa sa Cavite na pinahihintulutan ng pamahalaan ang dredging, tanging 9,000 ektarya lamang ang sakop ng PRA at hindi kabilang dito ang bayan ng Rosario.

Nilinaw nito, iba umanong kumpanya ang binigyan ng DENR-Environmental Management Bureau at Mines and Geosciences Board ng “Government Seabed Quarry Permit’’ para magsagawa ng dredging sa Municipal Waters ng Rosario.

Ang tanging sakop lamang ng PRA ang mga bayan ng Tanza, Naic, Ternate at Maragondon.

Sa mga nasabing bayan ay malinaw na pinangangalagaan ng PRA ang kapakanan ng mga mangingisda at kanilang pamilya sa Naic at Ternate sa pamamagitan ng Livelihood Assistance na nakalatag para pagkunan ng dagdag na kabuhayan. EVELYN GARCIA