TIWALA si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee na walang duda na makakapasok si Chelsea sa finals.
Sa press conference na inorganisa ng Bingo Plus araw ng Biyernes ay nagpahayag ng matinding suporta si Dee kay Manalo at umaasa ito na maiuuwi ang korona.
Kapag nagkataon ay si Manalo ang panglimang Pinay na nag-uwi ng Miss Universe crown.
“It is Chelsea’s season now. Isang araw na lang po, lalaban na si Chelsea Manalo. And I’m hoping she brings home the fifth crown,” ani Dee.
Ang “Hiraya” national costume nito ay inspired ng pagdating ng Kristiyanismo at Islam sa Pilipinas at ang kanyang debosyon sa Black Madonna, ang Our Lady of Antipolo.
Bukas ay huhusgahan ng mga Hurado kung sino ang tatanghaling Miss Universe 2024 at puputungan ng korona na gawa ng Filipino jewelry brand Jewelmer na naadornohan ng South Sea pearls.
PMRT