PINATUNAYAN ng Gilas Pilipinas na hindi tsamba ang kanilang naunang panalo laban sa South Korea nang muli nila itong pataubin, 82-77, sa ikalawa nilang paghaharap sa third at final window ng FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers kahapon sa AUF Gym sa Clark, Pampanga.
Nanguna si Dwight Ramos para sa Gilas na may 19 points, kabilang ang limang triples, 5 assists, 3 rebounds at 2 steals.
Nag-ambag sina Kai Sotto, RJ Abarrientos at Jordan Heading ng tig- 10 points upang sanggahin ang 20 points at 13 rebounds na kinamada ni RA Guna para sa South Korea.
Nagsalpak din sina Abarrientos at Heading ng tig-dalawang triples.
Makaraang maghabol sa Korea, 9-0, tinapyas ng mga Pinoy ang deficit sa 20-18. Na-outscore ng Gilas ang visiting team sa second quarter, 20-14, upang kunin ang 38-34 bentahe sa halftime.
Bago ang laro, ang dalawang koponan ay nakakuha na ng puwesto sa FIBA Asia Cup tournament na gaganapin sa Indonesia sa Agosto.
Sa panalo ay nanguna ang Filipinas sa Group A na may 6-0 record, kasunod ang Koreans sa 4-2, Indonesia (2-4) at Thailand (0-6).
804347 90219Some actually wonderful information , Gladiola I discovered this. 686892
773500 894595I like this weblog so a lot, saved to my bookmarks . 966447
26049 209275As I internet site possessor I believe the content material material here is really great , regards for your efforts. 735523