Mga laro sa Biyernes:
(Filoil Flying V Centre)
12 noon – San Beda vs CSB (Men)
2 p.m. – SSC-R vs Perpetual (Men)
4 p.m. – Arellano vs LPU (Men)
PINATAOB ng defending champion San Beda ang Lyceum of the Philippines University, 88-73, upang mapalawig ang kanilang perfect run sa pito sa NCAA men’s basketball tournament kagabi sa Filoil Flying V Centre.
Sa rematch ng dalawang naunang championship showdowns ay nagawang ma-neutralize ng Red Lions ang running game ng Pirates.
“Nagpapasalamat ako sa mga player for all the sacrifices. We wanted to really prepare well for LPU,” wika ni San Beda mentor Boyet Fernandez.
“It was a total team effort.”
Sa dalawang naunang laro ay umiskor si Ken Villapando ng lay-up sa huling 18.5 segundo nang gapiin ng San Sebastian ang Letran sa over-time, 102-101, upang maipatas ang kanilang record sa 3-3, habang binigyan ng University of Perpetual Help System Dalta si interim coach Myk Saguiguit ng unang panalo matapos na maungusan ang Emilio Aguinaldo College, 88-87.
Nagbuhos si Calvin Oftana ng double-double na 20 points at 12 rebounds habang nag-ambag si Cameroon’s Donald Tankoua ng 19 points at 6 boards para sa Lions.
Si Evan Nelle ang nagsilbing stabilizer ng San Beda sa backcourt na may 14 points, 7 assists at 4 rebounds.
Binura ng Pirates ang 18-point deficit at naitala ang 51-50 bentahe sa basket ni Jaycee Marcelino bago nabawi ng Lions ang trangko at kumawala sa kaagahan ng fourth quarter sa pangunguna ni Nelle.
Bumagsak ang LPU sa 6-2.
Naglaro sa unang pagkakataon magmula noong Hulyo 30, ang San Sebastian ay nagwagi sa kabila ng pagkawala ni suspended coach Egay Macaraya at ng anim na players sa limang fouls.
“Talagang mas gustong manalo ng mga bata,” ani Melo Banua, naglaro sa Centro Escolar University sa ilalim ni Macaraya at kalaunan ay nag-silbing isa sa assistant coaches ng San Sebastian kung saan nasa ika-4 na season na siya ngayon.
Tumabo si RK Ilagan ng 22 points at 7 rebounds bago na-foul out sa kaagahan ng extension period, habang nagdagdag si Allyn Bulanadi ng 21 points, 4 boards at 2 assists para sa Stags.
Iskor:
Unang laro:
SSC-R (102) – Ilagan 22, Bulanadi 21, Capobres 19, Calahat 9, Dela Cruz 9, Calma 7, Villapando 6, Desoyo 4, Cosari 3, Tero 2, Altamirano 0, Sumoda 0, Loristo 0.
Letran (101) – Muyang 32, Balanza 21, Yu 13, Caralipio 9, Batiller 7, Ular 6, Olivario 5, Reyson 4, Ambohot 3, Javillonar 1, Mina 0, Sangalang 0, Guarino 0.
QS: 28-18, 46-36, 69-64, 91-91, 102-101
Ikalawang laro:
Perpetual (88) – Peralta 19, Egan 16, Aurin 14, Razon 12, Adamos 11, Charcos 6, Cuevas 4, Sevilla 3, Martel 3, Barasi 0, Tamayo 0.
EAC (87) – Cadua 22, Taywan 21, Maguliano 15, Luciano 12, Mendoza 5, Gurtiza 4, Martin 3, Carlos 3, Dayrit 1, Tampoc 1, Estacio 0, Gonzales 0, De Guzman 0.
QS: 25-14, 47-39, 68-63, 88-87
Ikatlong laro:
San Beda (88) – Oftana 20, Tankoua 19, Doliguez 15, Nelle 14, Canlas 9, Bahio 8, Abuda 3, Alfaro 0, Cuntapay 0, Etrata 0, Cariño 0, Soberano 0.
LPU (73) – Nzeusseu 18, JC. Marcelino 13, David 10, Marcelino JV. 8, Santos 6, Ibañez 5, Navarro 4, Pretta 3, Caduyac 2, Tansingco 2, Valdez 2, Guinto 0.
QS: 29-17, 44-36, 61-58, 88-73
Comments are closed.