Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
4:30 p.m. – San Miguel vs Terrafirma
7:30 p.m. – Magnolia vs NorthPort
HINDI sapat ang malinis na kartada ng kanyang koponan upang masiyahan si coach Jorge Gallent, lalo na’t alam niyang kailangan pa ng kanyang San Miguel Beer squad na magtrabaho sa ilang aspeto ng kanilang laro.
“When we play games, we try to improve and try to get better on things that we have to get better at,” pahayag ni Gallent makaraang umangat ang kanyang Beermen sa 4-0 record noong nakaraang Biyernes.
“So these four games medyo our transition defense was not that good,” dagdag ni Gallent. “But it’s getting there. So we just have to practice it more and see what happens.”
Ang mapigilan ang ibang koponan sa pag-iskor ng transition points ay tunay na isang salik na magpapasya kung maaaring manalo ang SMB tulad ng inaasahan laban sa Terrafirma sa PBA Philippine Cup ngayong Miyerkoles, alas-4:30 ng hapon, sa Ninoy Aquino Stadium.
Mataas ang kumpiyansa ng Dyip matapos ang 91-85 upset win kontra Barangay Ginebra noong Linggo upang umangat sa 4-3 at mapalakas ang kanilang kampanya sa quarterfinals.
Ang tropa ni coach Johnedel Cardel ay makakapasok sa quarterfinals sa unang pagkakataon kapag nanalo sila ng kahit dalawa sa kanilanh huling apat na laro.
“We can’t relax even though four wins na kami,” sabi ni Javi Gomez de Liano, na kabilang sa susi sa shocker kontra Ginebra.
“We know that we need to get at least two more to be safe. So, in our next games we’re gonna take it one game at a time and continue to play for each other, play for our coaches and try to get those wins,” dagdag ni Gomez de Liano.
Tiyak na magiging mahirap ito. Bukod sa SMB, makakaharap ng Terrafirma ang Rain or Shine sa Sabado at NorthPort sa April 24 bago tapusin ang eliminations laban sa Magnolia sa May 3.
Gayunman ay hindi nawawalan ng kumpiyansa si Cardel. “Malay natin, bilog ang bola,” aniya.
“As long as tuloy lang ang pagtutulungan sa loob and we continue to play as a team, especially sa defense, and within the system baka makasilat ulit,” dagdag ni Cardel.
Pinaalalahanan naman ni Gallent ang kanyang tropa na huwag magkampante kontra Terrafirma. “That team is playing well, and their three losses were kind of tight,” aniya.
“So we cannot be overconfident with that team,” dagdag ni Gallent. “We would just have to play hard and play our usual game and not be complacent.”
Sa ikalawang laro sa alas-7:30 ng gabi ay sisikapin ng NorthPort na maipagpatuloy ang kanilang winning run.
Target ng Batang Pier ang ika-5 panalo laban sa Magnolia, na sisikaping putulin ang two-game slide.
CLYDE MARIANO