WALANG DUNGIS NA MARKA ITATAYA NG BLAZERS VS KNIGHTS

Standings W L
Benilde 3 0
LPU 3 1
Arellano 3 2
San Beda 2 2
SSC-R 2 2
JRU 2 2
Letran 1 1
Perpetual 1 2
Mapua 1 2
EAC 0 4

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – Benilde vs Letran
3 p.m. – Perpetual vs Mapua

ITATAYA ng College of Saint Benilde ang malinis nitong marka kontra defending champion Letran sa NCAA men’s basketball tournament ngayong Biyernes sa Filoil EcoOil Centre.

Magsasalpukan ang Blazers at Knights sa alas-12 ng taghali.

Galing sa 69-72 loss sa Arellano University noong Linggo na tumapos sa kanilang 14-game winning streak, umaasa ang Letran na maibalik agad ang kanilang winning form.

“Mga two years, three years ata sila hindi natalo. I don’t know. I hope we can give them a losing streak. They are tough, they always play physical and they’re the defending champs for a reason so it’s gonna be a hard game,” sabi ni Benilde coach Charles Tiu.

Higit na nakapaghanda para ngayong season, umaasa si Tiu na mag-i-improve ang kanyang tropa kada laro

Ang Benilde ay nanalo ng average na 13.33 points sa eliminations, salamat sa kabayanihan ni Will Gozum, na kabilang sa scoring leaders ng liga na may 17points kada laro, gayundin ng kanilang main gunners na sina Migs Oczon at Miggy Corteza.

“It’s only three games, we have a long way to go. We still haven’t played Letran, Mapua, San Beda, the three teams I said consistently that would be in the final four so still a long way to go for us. But at least we’re playing better,” wika ni Tiu.

Mabibigat ang mga susunod na kalaban ng Knights (1-1) na susubok sa kanilang character. Matapos ang Benilde ay makakaharap ng Letran ang Mapua sa rematch ng last season’s Finals sa Martes, at pagkatapos ay ang bitter rival San Beda sa Biyernes.

Magsasagupa naman ang Mapua at University of Perpetual Help System Dalta, kapwa may 1-2 records, sa alas-3 ng hapon.