WALANG DUNGIS NA MARKA ITATAYA NG TEXTERS

texters

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Dyip vs Phoenix

7 p.m. – NLEX vs TNT

MULING itataya ng  Talk ‘N Text ang  walang mantsang record sa pagsagupa sa NLEX sa PBA Governors’ Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang salpukan ng Texters at Road Warriors sa main game sa alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng Columbian at Phoenix sa alas-4:30 ng hapon.

Angat ang  TNT kontra NLEX dahil  lamang sila sa tao sa pangunguna ni KJ McDaniels na isang all-around player at naglaro sa Houston Rockets at Philadelphia 756ers.

Inaasahang ang 26-anyos na si McDaniels ang magdadala sa Tropang Texters sa ika-8 sunod na panalo ngunit hindi dapat magkumpiyansa ang TNT laban sa Road Warriors na matulin tumakbo at hindi kayang abutan ng kanilang mga kalaban.

Lumakas ang NLEX nang hawakan ni coach Yeng Guiao, na isang certified achiever at motivator, kung saan nasa ikalawang puwesto ang koponan sa 5-1 kartada.

May unfinished business si Guiao at ang Road Warriors laban sa TNT na tumalo sa kanila sa Commissioner’s Cup.

Muling pangu­ngunahan  ni McDa­niels ang opensiba ng TNT katuwang sina Jayson  Castro, Roger Pogoy, Troy Rosario, Don Trollano at Ryan Reyes kontra  Kiefer Ravena, John Paul Erram, Larry Fonacier, Kenneth Ighalo, Philip Paniamogan, Pedrito Galanza at JR Quinahan.

Patas naman ang laban ng Columbian at Phoenix na inaasahang magkakatalo sa kanilang mga  import na sina Khapri Alston at Eugene Phelp.

Tinalo ng Car Masters ang Fuel Masters, 100-98, sa  Commis­sioner’s Cup. CLYDE MARIANO

Comments are closed.