Mga laro bukas:
(Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. – Dyip vs Blackwater
7 p.m. – Magnolia vs San Miguel
NAISALPAK ni Troy Rosario ang dagger three upang bitbitin ang Talk ‘N Text sa 103-100 panalo laban sa NorthPort sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Matapos ang kanyang krusyal na triple sa 1:06 mark ng 4th quarter, sinelyuhan ni Rosario ang panalo sa pares ng free throws sa foul ni Robert Bolick, may isang segundo ang nalalabi sa laro.
Nanguna si import KJ McDaniels para sa KaTropa na may 30 points at 18 rebounds upang tulungan ang TNT na manatiling walang talo na may 5-0 record.
Nag-ambag si Rosario ng 22 points.
Naipasok ni Bolick ang isang tres upang bigyan ang NorthPort ng siyam na puntos na kalamangan sa 8:50 mark ng 4th quarter, subalit humabol ang TNT sa pamamagitan ng 10-2 run upang manatiling nakadikit sa Batang Pier.
Nanguna si Garvo Lanete para sa Batang Pier na may 23 points habang nagdagdag si Bolick ng 12 markers.
Nalasap ng NorthPort ang ika-4 na sunod na kabiguan upang bumagsak sa 1-5 kartada. CLYDE MARIANO
Iskor:
TNT (103) – McDaniels 30, Rosario 22, Pogoy 17, Castro 10, Trollano 10, Reyes 6, Carey 2, De Leon 2, Magat 2, Heruela 2, Vosotros 0.
NorthPort (100) – Lanete 23, Ammons 14, Bolick 12, Ferrer 11, Taha 10, Anthony 8, Mercado 6, Cruz 4, Tautuaa 4, Escoto 3, King 3, Elorde 2.
QS: 24-18, 46-38, 65-70, 103-100
Comments are closed.