Halos tumagal ng limang minuto ang power interruption sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 dahil sa biglang pagkamatay ng power generator na nagsu-supply ng koryente sa NAIA terminal 2.
Ayon sa pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs, alas 10:00 ng umaga nang mag-brownout matapos ang isinagawang inspection ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista at MIAA General Manager Eric Ines.
Wala namang napaulat na cancelled o delayed flight dahil agad naman naibalik ang koryente sa tulong ng Meralco.
Iniimbestigahan ng mga tauhan ng MIAA ang naging sanhi ng agarang pagtigil ng power generator.
Froilan Morallos