WALANG EXTENSION SA ITR FILING

INIHAYAG nina Finance Secretary Ralph Recto at Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr. na hindi na palalawigin pa ang itinakdang dealine sa paghahain ng annual income tax return (ITR) at pagbabayad ng buwis sa Lunes, Abril 15.

May nakalaang kaparusahan sa sinumang lalabag o hindi tutupad sa kanilang obligasyon sa paghahain ng ITR.

Sinabi sina Secretary Recto at Commissioner Lumagui na kung nahirati ang taxpayers na palaging binibigyan ng  extention ang tax deadlune, sa pagkakataong ito ay dapat silang madisiplina para tumupad sa araw na itinakda ng Kawanihan, hindi lamang pagdisiplina sa sarli, kundi upang kapit-bisig na tumulong  sa paglikom ng pondo para sa mga proyekto ng pamahalaan.

Sa madaling salita, wala nang extension ang itinakdang huling araw ng paghahain ng ITR sa Abril 15, 2024

Inaasahang makakakolekta ng higit sa P400 bilyon sa buwang ito ang Rentas Internas mula sa taunang paghahain ng ITR.

Tungkol sa mga kaparusahan para sa mga taxpayer na hindi makasusunod sa itinakdang deadlune, ang mga sumusunod na penalties ang maaaring ipataw: surcharge na katumbas ng 25% ng halaga ng buwis na dapat bayaran, interes na 12% sa hindi nabayarang halaga ng buwis mula sa oras na dapat  bayaran hanggang sa ito ay ganap na mabayaran.

Mahalagang tandaan na ang paghahain at pagbabayad ng buwis na lampas sa itinakdang deadline ay magiging dahilan upang maningil ang BIR ng kaukulang interes, surcharge at compromise penalties.

Dahil dito, mahigpit na pinapayuhan ang mga taxpayer na maghain ng kanilang ITR sa itinakdang deadline upang maiwasan ang anumang karagdagang bayarin.

Para sa fiscal year 2024, itinakda ang  tax collection goal na P3.055 trilyon.

Ito ay 25% na mas mataas kumpara sa target na P1.32 trilyon noong 2023.

Ang aktuwal na koleksiyon ng BIR noong nakaraang taon ay umabot sa P1.4 trilyon.

Samantala, target ng Bureau of Customs (BOC) na makakolekta ng P1 trilyon para sa taong 2024.

Noong 2023, ang collection goal ng BOC ay P874.17 bilyon.

Ang pagtaas ng target ay sumasalamin sa kanilang patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kanilang sistema ng pangongolekta at labanan ang smuggling.

Bahagi rin ito ng pagsisikap ng gobyerno na mapalakas ang revenue collections ng BIR at BOC at suportahan ang mga programa at serbisyo para sa sambayanan.

Ang BIR sa pamanagitan ni Commissioner Lumagui, kasama ang kanyang mga deputy commissioners, ay nakatakdang magdaos sa Lunes (Abril 15, 2024) ng isang  press conference sa BIR South Makati na inorganisa ni South Makati BIR Regional Director Edgar Tolentino kaugnay sa huling araw ng paghahaIn ng ITR upang himukin ang taxpaying public sa pagtupad sa kanilang tax obligations.